Kolokoy Household: Episode 22

Published on October 07, 2013

Hello, my dear readers! I hope you are having a good day. I was supposed to post an Ask the Kolokoys entry today (naks, may nagtanong uli sa amin), but my dear husband wasn’t able to meet his deadline. So to fill in the gaps, let’s just have a Kolokoy Household post, shall we? Well, no choice naman kayo kasi blog ko ‘to. Harharhar!


NO, YOU DIDN’T!

One night while Boyet and I were having our usual harutan session, he accidentally kicked me.

Me: Oh no, you didn’t! (E ang arte ko. Ang pagkakasabi ko, “Oh no, you dint!”)
Boyet: No, you dint!
Me: Tsk tsk! No, you dint!
Boyet: YES, I DINT!
Me: Hahahaha! Best in English ka talaga!


HINDI KA NA SWEET!

One time, I told Boyet that he has changed. When we were still dating, he would put his arm around my waist while we’re walking. Ngayon, holding hands na lang.

Me: Alam mo nagbago ka na!
Boyet: Oi ang kapal ng mukha mo ha! Anong nagbago pinagsasabi mo?
Me: Dati noong hindi pa tayo kasal, nakapulupot ka lagi sa akin. ‘Yung right arm mo nakapulupot sa waist ko. Tapos ‘yung isang kamay nakahawak sa kamay ko.
Boyet: Hoy Je, lagi ko pa ring hawak kamay mo ha!
Me: Kamay na lang, hindi na sa waist ko.
Boyet: O sige nga. Paano ko pa magagawa ‘yun? E dala ko bag mo, dala ko camera bag mo, dala ko paper bags ng mga pinang-shopping mo, pati groceries dala ko. 2 lang kamay ko ‘no!

Honganaman! =))


PASALUBONG

Last Friday, I decided to work from home. Boyet was also scheduled to have dinner with his officemates. So while we were talking through YM, I asked for a pasalubong.

Me: Baby, pasalubong ko ha.
Boyet: Ok sige, Baby. Anong gusto mo?
Me: Ket ano. (Kahit ano.)
Boyet: San naman nabibili ‘yang KET ANO?
Me: Duh! E di sa marKET!

Nag logout na ako agad kasi baka makaganti pa ng banat e! =))


DENTIST

I recommended Boyet to go to my dentist. It was probably his third visit so my dentist already knows him. As soon as he got home, he told me that my dentist recognized him.

occupations_dentist Image taken from occupations.phillipmartin.info

Dentist: O bakit hindi mo kasama si Jerellt?
Boyet: E nasa bahay kasi Doc. Busy sa pagba-blog kaya hindi na sumama.
Dentist: Oo nga e. Nagbabasa nga ako ng blog niya. Sikat na sikat ka na nga dun e.
Boyet: Waaahh aahhhhh sheeee ahhhhh… Hoho nga e. (Nakanganga na daw kasi siya kaya hindi na siya nakasagot. Pero ang gusto niya sanang sabihin, “Oo nga Doc e. May mga officemates nga siya na bigla na lang akong babatiin kahit hindi ko kilala. Nakilala lang nila ako sa blog.”)
Dentist: Ano nga ba ‘yun? Ayun! ‘Yung Kolokoy ba ‘yun? Dun ka sikat e!

HAHAHAHAHAHAHAHA!!! Sabi ni Boyet, hindi na raw siya magugulat kung biglang may magpa-autograph sa kanya! :p


STUDY OF WHAT?!

Last Saturday, Boyet and I went to St. Luke’s Global for my annual Pap test (a.k.a. Pap smear). As soon as my OB/GYN got the specimen, her secretary asked me to proceed to the Department of Pathology located at the second level of the hospital.

While we were walking…

Me: Doon ‘yun ‘di ba? Sa dinadaanan natin papuntang ultrasound?
Boyet: Study of ducks…
Me: Huh?
Boyet: What do you call the study of ducks?
Me: Meron bang ganun?
Boyet: Meron.
Me: Ano?
Boyet: PATOlogy! Ayun lang hindi mo pa alam!

Nakakainis na nga ‘yung joke, ininsulto pa ako! =)) O pwes, ayan mas lalo siyang sisikat! :p

Have a nice week ahead! ^_^

You Might Also Like

4 comments

  1. Minsan tong si Boyet sakit sa ulo eh. Hahahahaha!! :)

    http://celerhinaaubrey.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi lang minsan. Ang dalas! :))

      Delete
  2. Replies
    1. Ang galing mo pumili ng IDOL! :))

      Delete