Kolokoy Household: Episode 21

Published on September 30, 2013

Hello, guys! Did you miss Kolokoy Household? Hindeeeee?! Tse! Actually, ako din naman hindi ko na-miss! Hahahaha! :p


THE VOICE

I am a big fan of The Voice US. Napanood ko lahat ng season! Kaya kahit na ang dami kong reklamo sa The Voice PH, nood pa rin naman ako ng nood. Harharhar! Anyway, my mother told me that she missed last Saturday’s episode. Medyo nagkwento ako ng kaunti.

Mama: Sino ba magaling kagabi?
Me: Lahat naman sila ok e.
Mama: Sino ba ‘yung gusto mo sa The Voice?
Me: Si Myk! Siya lang kasi ang hindi sigaw ng sigaw dun e.
Mama: Sino ba dun? ‘Yung parang bading?
Me: Huh?! Hindi. Natanggal na yata ‘yang sinasabi mo e.
Mama: Ah ok! Kilala ko na. ‘Yung talsik ng talsik ang laway!

Grabe ‘tong ermats ko e! Panira ng kilig! =)) First time ko pa namang sumali sa text voting para lang kay Myk! :p


INSEKTO

On our way home, we noticed that there was something flying inside our car.

Boyet: Lamok ba ‘yun?
Me: Hindi e. Parang ibang insekto.
Boyet: Huh? Iisa lang naman ‘yung lumilipad ha.
Me: Oo nga.
Boyet: E bakit INSEKTO? Dapat INSEK-ONE lang!
Me: Haaaaayyyyyyyyyyyyyy!!!


ATM

One day, I asked Boyet to do some errands. I was about to hand him money when he told me that he would just take care of it. But since I handle our finances, I know that his own money wasn’t enough for that.

Boyet: Ok lang, Baby. Ako na ang bahala.
Me: Hoy Boyet! Huwag kang echosero. Wala ka ng pera.
Boyet: Meron pa. Mag-wi-withdraw ako mamaya sa ATM.
Me: Tapos sasabihin sa’yo ng ATM, “I am not a magician. ATM does not stand for Automated Teller Magician!”
Boyet: Tapos ang closing spiel niya, “Please try again after 15 days!”

HAHAHAHAHAHAHAHA!!!


PRETZELS

I was working from home so I made lambing to Boyet to buy pasalubong for me. Before he left, he asked for PHP50 from me.

Boyet: Wala akong barya pambayad ng parking e. Pahiram muna akong singkwenta.
Me: Ok sige. Kuha ka na lang sa wallet ko.

When he came home from the office, he gave me this.

IMAG0351

Me: Wow! Thank you!!! Favorite baon ko ‘to dati. Last na bili ko neto sa tindahan limang piso pa lang siya. Magkano na ‘to ngayon?
Boyet: Thirteen Pesos na nga ‘yan e! Ang mahal na.
Me: Kaso lang hiningian mo ako ng 50 Pesos kanina. 13 Pesos lang ‘tong pasalubong. Tumubo ka pa!
Boyet: Grabe! Umasa akong hindi mo mapapansin na nagulangan kita! Hahahaha!!!

Happy Monday! =)

You Might Also Like

4 comments

  1. INSEK-ONE.... winner, kaschool nya b c Bitoy ang taba ng utak nya.. Naiisip nya pa yun?? hehehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha sige i-da-diet ko ang utak niya :))

      Delete
  2. Hindi ko kinaya ang ATM! Hindi nga naman magician. Pero mas bet ang closing spiel. Please try again after 15days. :) Ganyan na ganyan ang closing spiel ng atm ko lately eh..

    http://celerhinaaubrey.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Ang talino ko 'no?! Actually sa'kin, please try again after 30 days! =))

      Delete