This is just a casual conversation between two moms. Let’s call them N1 (Nanay1) and N2 (Nanay2). Names are withheld to protect the identities of these mothers. :p
N1: Ampucha! Pagod na pagod ako!
N2: Antokwa, ako din.
N1: Kung gaano katanda ‘yung anak ko, ganoon na rin katanda ‘yung pagod ko!
N2: Hahahahaha! Ako rin! Twinning ang peg ng pagod at headache ko!
N1: Ngayon ko na-realize na isang malaking kaartehan lang pala ‘yung pagod ko noong single pa lang ako. ‘Yung pagod ko noon, wala sa kalingkingan ng pagod ko ngayon.
N2: Inaantok din nga ako. Hindi ko na matandaan kailan ako nakatulog ng matiwasay. ‘Yung tulog na walang iiyak, ‘yung tulog na walang hihila ng dede ko, ‘yung tulog na walang pwet na sasalpak sa mukha ko.
N1: Partida pa, ‘yang antok mo, normal na antok pa lang ‘yan. Iba pa ‘yung antok at pagod mo kapag may sakit ang anak mo!
N2: Ay oo, sinabi mo pa! Tapos punyeta pa, kailangan ko pang magtrabaho! Gigising ka ng maaga kasi kailangan mong umiwas sa traffic. Kaso, ma-traffic ka pa rin. Sa gabi, imbes na lalaruin mo ‘yung anak mo, maiipit ka pa sa traffic.
N1: Oo! Tapos maiiyak ka na lang kasi ang bilis lumaki ng anak mo. Ang dami dami mong na-mi-miss sa paglaki ng anak mo kasi kailangan mong magtrabaho at wala kang choice kundi maipit sa lecheng traffic!
N2: Sana manalo ako sa lotto para mas madalas kasama ko ang anak ko. Kaso lang, hindi ako tumataya! Hahaha! Sana magkaroon ako ng chance na maging stay-at-home mom na may financial freedom pa rin. Sa ngayon kasi, hindi ko pa kaya. Hindi mo naman pwedeng ipambayad ng tuition fee ang pagmamahal mo. Hahahaha!
N1: Kaya nagtatrabaho tayo. Kaso lang, hindi rin naman natin marating ‘yung sweldong gusto natin kasi nga, madalas na namemenos tayo sa office. Wala e, nanay na kasi tayo.
N2: Korek! Kapag nagkasakit ang anak, kailangan mong mag-leave kasi nanay ka e.
N1: Tapos hihiritan ka pa ng, “Bakit, wala bang ibang pwedeng mag-alaga sa anak mo?” Ang sarap nilang sagutin na, “T@ngin@ niyo, e ako ang nanay!”
N2: Kapag hindi mo naman inalagaan, huhusgahan kang masama kang ina!
N1: Kapag inalagaan mo naman, sasabihin na hindi mo binibigyan ng halaga ang trabaho mo. Kingina talaga e!
N2: Alam mo, kaya magulo ang mundo natin e. Kasi kulang sa pagpapahalaga ang mundong ‘tong sa mga nanay.
N1: Sinabi mo pa!
N2: Kapag may salot ng lipunan, ang unang tanong, “Sino ba kasing nanay neto?” Ni minsan wala man lang nagtanong kung nasaan ang tatay nila! Hahaha!
N1: Pero kapag matalino at magaling ang mga anak, kung sinu-sino ang nag-te-take ng credit!
N2: Tapos kapag Mother’s Day, akala mo kung sinong mga kegagaling mag-appreciate sa mga nanay! E kung tutuusin, kulang ang isang araw para sa pagod ng mga nanay!
N1: Exactly!
N2: Tapos bilang nanay ka, bawal kang mapagod. Bawal tamarin. Bawal magpahinga. Bawal magreklamo.
N1: Gawin mo ang isa sa mga ‘yan, masamang nanay ka na agad! Hindi ba pwedeng, tao ka lang kasi?
N2: At hindi ka lang nanay ha, asawa ka pa. So empleyado ka na kailangang i-please ang boss mo, nanay ka na kailangang alagaan ang anak mo at misis ka pang kailangang alagaan ang sarili mo kasi kung hindi, mambababae ang asawa mo.
N1: Minsan nga kahit tulog ako, parang gumagana pa rin ‘yung utak ko. Hindi nawawalan ng laman e!
N2: Dati ang iniisip mo paano dadami ‘yung milk supply mo, tapos susunod mong iisipin anong healthy food ang ipapakain mo kasi baka sawa na siya sa carrots, kalabasa at patatas. Kapag lumaki na, iisipin mo ano namang ibabaon niya o kung paano mo tutulungan sa homework.
N1: Hahaha! Oo, hindi natatapos ‘yan.
N1: T@ngin@ng buhay ‘to!
N2: Ang dami na nating sinabi. E bukas naman malamang pagod, tinatamad at inaantok pa rin tayo!
N1: Hahahahahaha!
N2: Kaso hindi mo naman pwedeng sabihin sa labada mo na pagod ka na. Hindi mo rin pwedeng sabihin sa boss mo na inaantok ka. At lalong hindi mo pwedeng sabihin sa anak mo na tinatamad kang alagaan siya.
N1: Korek! Gusto kong mag SL! Sleeping Leave! Bwahahahaha!
N2: Dapat may separate na leave ang mga nanay e. Sana pwedeng mag-leave para makapaglinis ka ng bahay o kaya makabawas ka ng labada. Kasi hindi naman siya SL kasi hindi ka sick. At duh! Lalo namang hindi siya VL dahil hindi ka naman nagbabakasyon!
N1: Ano ka ba?! Bawal kayang mag-leave ang mga nanay! Bababa ang productivity mo, heller?! Hahahaha!
N2: Ay, oo nga pala! O sige, sana makapagpamasahe man lang ako.
N1: Ako rin!
N2: Ang tagal ko ng hindi nakakapagpamasahe. Hindi ko na matandaan kailan ang huling pedicure ko. ‘Yung buhok ko puro patay na!
N1: Ako, gusto kong manood ng sine!
N2: Tara?
N1: Sige!
N2: Ay kaso lang, nagtitipid pala ako.
N1: Wala rin palang magbabantay kay (Baby’s name).
N2: Hindi rin pala ako pwede this weekend kasi magluluto pa ako ng baon namin!
N1: Ayan tayo e! Hahahahaha!
N2: Noong isang gabi, nag-daydream ako. Ay, pwede bang mag-daydream sa gabi? Hahaha! Anyway, sabi ko sana makakuha ako ng isang araw lang na ME time. Papaayos ako ng hair, punta ng spa, papa-wax ng legs, shopping ng kaunti. Try ko rin isingit ‘yung 10 years ko ng plano na ipaayos ang kilay kong abot na hanggang EDSA! Kaso iniisip ko pa lang, namiss ko na si (Baby’s name). Tapos bigla siyang lumapit sa’kin at niyakap ako. Parang alam niya ‘yung plano kong iiwan ko siya ng isang araw! Hahahaha!
N1: Tapos, wala man lang maka-appreciate sa atin! Hindi nila alam na hanggang pangarap na lang ang pagpapamasahe natin!
N2: Taena! Pwede na tayong gumawa ng libro e. Hugot ng mga nanay!
N1: Ay pucha! Baka ayan na ang susi sa pagyaman natin!
N2: Hahahahahahahaha!
Normal na usapan pa lang ‘yan mga teh ha! Wala pang beer at pulutan! Hahahaha! :p
Minsan, napapaganito na lang ako e. @_@
Ay oo nga pala, hindi ako si N1 o si N2 ha. Promise!!! :p
Nanay ka na rin ba? Ano’ng #NanayHugot mo?!
Hay super hugot yung ang aga mu na nga gumising para bumyahe para hindi ka malate pero malalate ka pa rin sa nyemas na traffic na yan! tapos another kalbaryo ung pag uwi na imbes na nasa bahay ka na at nakikipaglaro na sa mga anak mu, ikaw eto naghihintay ng masasakyan. Sa awa naman ng dyos after 5 hrs makakauwi ka na tapos tulog na mga anak mu. :( Feel na feel ko si N1 at N2 dito! :'(
ReplyDeleteWala akong hugot. Walang wala tol. Di ako nakakarelate dito. Nyahahahah!
ReplyDeletenaiyak tas natawa ako. hahaha sana may n1 at n2 din ako dito. tnx for this je. made my day. needed to have this lalo na ngayon.
ReplyDeleteHugs!!! :)
Delete