Walang Forever…

Mahilig akong manood ng Forevermore. Pero may isang taong may matabang utak ang nag come up ng isang napaka thought-provoking question na ‘to.

forever Photo not mine

I always get asked two questions. 1) How did I know that Boyet is THE ONE? 2) Do I believe in Forever? (‘Yung third, bakit hindi ako tumataba kahit kain ako ng kain. Pero bihira na akong tanungin niyan ngayon dahil mataba na ako!) I’ll reserve a separate post for the first question. Hindi ko feel maging cheesy ngayon. Doon tayo sa second. Sooooooo, totoo ba ang lecheng FOREVER na ‘yan? Ang totoo nyan, WALANG FOREVER!


1. Walang forever para sa mga taong atat!

Kinindatan ka lang sa jeep, soul mate mo na agad? Although there is a very slim chance that he might be your FOREVER, mas malaki ang probability na manyakis lang ‘yan teh! Cliché as it may sound, good things really come to those who wait.

I remember a friend who kept on teasing a guy. Ang choosy daw kasi. Totoo naman kasi. Binubugaw na namin, aba ayaw pa! Pero isang beses, sinaway ko na rin. Sabi ko na lang, lahat tayo, may karapatang maging choosy. 

May mga tao kasi na gustong maghintay mag-isa para sa God’s best nila. May mga iba naman, na naghahanap ng FOREVER sa paraang trial and error. Walang tama o maling way sa paghihintay sa FOREVER. Whether papalit-palit ka ng jowa o gusto mo na ‘yung first mo e siya na rin ang last mo, ang bottomline lang dito, DON’T SETTLE FOR ANYTHING LESS THAN WHAT YOU TRULY DESERVE.


2. Walang FOREVER para sa mga taong tamad!

Yes, fate plays a vital role in helping you find your one true love. But you must go beyond it. A HAPPY EVER AFTER entails hard work. Pinaghihirapan ang relasyon. Pinagtatrabahuan. Pinagsusumikapan. Kaya nga ang LOVE, hindi lang basta noun, verb din. Kailangan ng action. Kumilos ka para makasiguro na hindi mo kakantahin ang THE ONE THAT GOT AWAY.


3. Walang FOREVER para sa mga taong madaling sumuko.

Karamihan ng mga telenovela, umaabot sa Book 2 dahil may isa o parehong bida ay sumuko. Ganyan din sa totoong buhay! Hindi ka lang nasundo ng jowa mo, break na agad? (Pero dati, ganito ako! Bwahahahaha!!!) Hindi ka lang gusto ng nanay niya, ayawan na? (Story of Boyet’s life, haha!) Some may argue and say, “Kung kayo, kayo talaga.” Hay, kawawang tadhana! Susuko ka ng paulit-ulit, tapos aantayin mo si destiny na pagtagpuin uli kayo? Huwag mong igaya si DESTINY kay Batman, na palagi na lang siya ang bahala.

I'm not claiming to be a relationship expert here. But each time someone asks me what made our relationship work out, I always say, "We make sure that we don't give up at the same time." Yes, there are times when I want to return my husband to his mother's uterus. I bet Boyet also feels the same. Kapag may matinding away kami dati bago kami ikasal, siguradong may maghahamon ng hiwalayan (ako lagi 'yun). Pero dapat, may isang hindi papayag (alam niyo na kung sino 'yun). Hahaha! 


4. Walang FOREVER para sa mga taong ma-pride.

Hindi mo na kailangan ng sangkatutak na self-help books para lang malaman na ang pride, hindi ang biyenan, ang anay ng relasyon. Apologizing is not always about admitting that you’re at fault. Most of the time, you also need to say sorry because of how you reacted to the situation. Madalas kasi, hindi lang isang tao ang mali.


5. Walang FOREVER para sa mga taong hindi alam ang ibig sabihin ng commitment.

Dati, isa lang ang timeslot ng mga kabit. ‘Yung bago mag Aquino and Abunda Tonight. Aba ngayon, pati sa hapon meron na! 

A friend once told me, Ako lang yata ang nagmahal ng lalaking hindi stable.” When I asked her why, she said, “E kasi mas malaki ang sweldo ko sa kanya.” I told her, “Hindi mo kailangan ng stable. Ang kailangan mo, commited!” Yes, it helps when you are both financially stable when you get married, but that is not the end all and be all of a relationship.

Commitment encompasses a lot of things. You should be committed to provide the best for your family. You should be committed in making sure that you don’t break your partner’s trust. You should be committed in letting God work His wonders in your relationship. At marami pang iba. 

So, pwede ka pa bang magkaron ng FOREVER ng walang COMMITMENT? Oo naman! FOREVER SINGLE. FOREVER KABIT. FOREVER BABAERO. FOREVER ASSHOLE. FOREVER LONELY. FOREVER EMPTY.


6. Walang FOREVER para sa mga taong sexist.

Dapat mas malaki ang sweldo ng lalaki. Babae lang dapat ang naglalaba. Lalaki lang dapat ang nagtatrabaho. Babae lang dapat ang humahawak ng pera. Tengenenemen! 2015 na kaya! Wala ‘yan kung ovaries o testicles ang meron ka. Ang importante, pareho kayong nagco-contribute para sa ikakabuti ng relasyon niyo. At oo, naglalaba si Boyet! :p 


7.  Walang FOREVER para sa mga taong perfectionist at napakataas ng tingin sa sarili.

Gusto ko ng jowa na mabait, patient, thoughtful. Ang tanong: Mabait ka ba? Patient ka ba? Thoughtful ka ba? Gusto mo ng mabait tapos gago ka? You attract the kind of love that you deserve. Work on your own weaknesses. Make this your own personal journey. Yes, it is ideal if you have someone to help you work on your weaknesses, but it has to start with yourself. Kumbaga sa paglalayag (yes naman, paglalayag!) mapa lang ang jowa mo towards self-improvement, ikaw pa rin ang kapitan ng barko. Gets? Dapat 'yata WAZE at DRIVING na lang ang analogy na ginamit ko. Haha! :p


8. Walang FOREVER para sa mga taong naniniwala na may perfect formula ang pag-ibig.

Kahit ilang self-help books ang basahin mo, wala ni isa sa mga 'yun ang magtuturo sa'yo ng perfect formula about love. Because believe it or not, there is none. When Boyet and I got married, the oldies would always tell us not to sleep without settling an argument. We tried it, but it didn't always work for us. Most of the time, our arguments root from the fact that we are both tired and stressed out, and the only thing that could help us clear our minds is sleep. Tapos paggising namin, magkayakap na pala kami. Walang effort. With clearer minds, we would talk about what went wrong and apologize to each other. Ang point ko lang, different strokes for different folks. What works for other couples may not work for us, and vice versa. 


9. Walang FOREVER para sa mga taong inaasa ang love story nila sa fictional stories.

One of the reasons why women get frustrated is because they expect their love stories to be like a perfect setting of a romantic novel. I'm a book worm so I know what I am talking about. Haha! These stories are written by people. Isang writer lang ang dapat niyong payagang magsulat ng love story niyo -  si GOD. =) A journey towards FOREVER is definitely not a walk in the park. A journey towards FOREVER is like climbing a mountain. Mahirap. Madadapa ka. Masusugatan. May mga times na mapapagod ka at parang gusto mo ng sumuko. Darating ka sa tuktok ng bundok na madungis, sugatan, pagod, gutom at uhaw… pero MASAYA.


10. Walang FOREVER para sa mga taong hindi naniniwala na may FOREVER.

Albert Einstein once said, “It is better to believe than to disbelieve; in doing you bring everything to the realm of possibility.” Although he is definitely not talking about FOREVER here, the thought still applies. Mas ok na yata na maniwala kang may FOREVER kesa naman magpaka-ampalaya ka tuwing nakakakita ka ng mga babaeng may hawak ng bouquet of roses tuwing Valentine’s Day. Sabi nila, positive vibes attract positive results. Ganun din malamang sa FOREVER. Manalig ka lang na may FOREVER. #tiwalalang


So may FOREVER ba talaga? Oo naman. Ang problema lang kasi sa mga hindi naniniwala sa FOREVER, sa maling sitwasyon sila naghahanap. Nag-break lang 'yung favorite love team, wala na agad FOREVER? Alam ko namang hindi best setup ang showbiz para humanap ng FOREVER, pero there's always an exception to the rule. O e bakit si Robert Arevalo at  Barbara Perez? Hindi niyo sila kilala? Kung hindi, kilalanin niyo. Tuwing may artistang naghihiwalay dati (excluding Kris Aquino ha, kasi ginawa na yata niyang bisyo), lagi kong sinasabi na walang matinong mag-asawa sa showbiz. Ang sinasagot lagi sa akin ng nanay ko, "Meron! Sila Robert Arevalo at Barbara Perez." Sa mga bata pa, pwede rin siguro sila Mariz at Ronnie Ricketts. Haha. Pero promise, madami!!! Ang problema kasi, mas maraming air time ang mga hiwalayan kesa sa lolo at lola na nag renewal of vows sa 75th wedding anniversary nila.

Kaya kung hindi mo pa nahahanap ang FOREVER mo, manalig ka lang! Kung hindi ka man destined para magkaroon ng FOREVER, ang love ng magulang, FOREVER din 'yan. At ang love ni GOD, kung may beyond FOREVER man, ayun na 'yun. =)

P.S. I was supposed to post this on Valentine’s Day, but I got sick (I still am). I had no other choice but to stay in bed the entire day. So, I do hope you all had a wonderful Valentine’s Day! =)

3 comments :

  1. I've been with wrong guys and true to number 5 you don't need a stable guy what you really need is a committed guy. I've been with M.U. (MUntangang Relasyon at Mukhang Unggoy na Relasyon) and it didn't work because these guys don't want commitment at all. Go for the guy that will never live without you. Naks! May natutunan ako Ha Ha Ha

    --

    nhengswonderland.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. Galing ka na? Good to know! Agree ako sa mga sinabi mo about forever. Ang isang relasyon dapat pinagtatrabahuhan talaga ng both parties. At hangga't may isang ayaw mag-give up, walang relasyong magwawakas. :)

    Eto naman medyo related sa topic ng forever, something about people finding love. Nabasa ko lang naman to ha, sa mga naghahanap daw ng pag-ibig, wag daw hanapin darating din yan. Pero dapat daw may konting landi rin sa katawan ang naghahanap. Wala lang, natawa lang ako kasi parang may point naman. :)

    ReplyDelete
  3. Aagree ako sayo sa #1 mo. Lagi kasi akong sinasabihan na choosy kaya daw napag-iiwanan na ko. Nagawa ko na ang trial ang error, hindi umubra. So baka this time magwork ang waiting. Sabi nga ng kaibigan ko okay lang maging choosy, "kung sapatos nga gusto natin perfect fit e, asawa pa kaya?"

    #9 - Oo, tama ka. Sa totoo lang paasa yang mga rom-com movies na yan, hindi naman sa lahat ng pagkakataon perfect ang pagkikita nyo ng The One. Ako nga feeling ko random lang eh, tapos whirlwind. Tapos sya na makakatuluyan ko. Hahah. Oha, naisip ko na talaga yun ah hahahahaha

    #2 - Yes, aagree din ako. When I was young I always thought ang love ay noun lang, pero pinaghihirapan pala sya Ang dalas ko na tuloy kumanta ng The One That Got Away. Pero diba, di mo naman malalaman ang importansya ng bagay bagay kung hindi ka lumuha nung sya ay nawala. Hahah. So now I know better.

    ReplyDelete

My Instagram

Copyright © jE's AnAtOmY.