(From my Friendster blog site originally posted on February 9, 2007)
Nakakainis! Sinabi na ngang NO LEFT TURN, kakaliwa pa rin! Di naman siguro bobo ang lahing Pilipino para hindi maintindihan ang simpleng English na NO LEFT TURN! At lalong hindi ako naniniwala na sobrang bobo ng mga noypi para hindi malaman ang kaibahan ng kaliwa at kanan. Sadya nga lang bang matitigas ang mga bungo natin at walang paggalang sa mga batas? Kunsabagay, e kahit naman naka red ang stoplight, aandar pa rin basta dumaan na ang napakahabang convoy ni mayor, ni congressman o kung sino mang nasa taas ang dadaan na akala mo sila lang ang nagmamadali! Ang katwiran ng mga Pilipino, kung ang mga matataas nga na gumawa ng batas e pedeng lumabag, pano pa kaya kami?
Nakakatawa! Ang janitor pag nagaapply ng trabaho kelangan ng NBI clearance, barangay certificate, police clearance at kung anu-ano pang magpapatunay na hindi halang ang kaluluwa mo! Pero bakit marami akong kakilala na nagpupunta sa COMELEC para mag-file ng certificate of candidacy kahit nakakakulong? Wow! Isang malaking gaguhan to! Maglilinis ka ng kubeta at kailangang may NBI clearance, pero magpapatakbo ka ng bansa at ayos lang na rapist ka? Ang lupet! Pag nanalo sila, lalabas sila ng kulungan para mag opisina sa kongreso, senado o munisipyo? Mas magiging masaya siguro ko kung ang buong kongreso, senado o munisipyo ang ipasok ng buo sa kulungan para mapagbigyan ang bisyo ng mga ambiyosong pulitiko na to! Mas ok yun, para magkaalaman ng kulay ang mga yan. Atat silang lahat tumakbo pero naglalahong parang bula pag nanalo. Tignan ko lang kung magkandarapa yang mga yan na tumakbo kung malaman nila na sa likod ng rehas ang opisina nila! Magandang ideya yan! Tipid sa kuryente dahil walang aircon, tipid sa gas dahil di na nila kelangan bumiyahe. Tutal naman yung mga sasakyan nila e galing din sa buwis na binabayaran ko!
Nakakaasar! Bakit ba hindi na tayo natuto? Ilang lider na ba ang pinatalsik natin dahil sa pangungurakot, pandaraya, o simpleng kabobohan lang? Pero yung mga anak, asawa, kapatid, inaanak, at kahit kabit pa ng mga pinalayas natin ay nagpapasasa sa pwesto na hindi dapat sa kanila. Kailan kaya tayo matututo?
Nakakainsulto! Bakit ba ang hilig nating ibaba ang mga sarili natin at ilagay sa pedestal ang mga taong mas mapuputi satin? Aba naman! Nagkakandarapa tayong bumili ng imported e samantalang ung mga sapatos na yan ay galing lang sa Marikina; ung pabango mo na P1000 ata isang spray ay piniga lang sa sampaguita; ung chocolate na binili mo sa Duty Free, galing lang sa cocoa yan! Ang galing nating maliitin ang mga sarili natin. Pano tayo igagalang ng iba kung tayo mismo, hindi natin alam kung ano ang galing natin?
Lahat ng nurse nasa Canada. Lahat ng engineer nasa Middle East. Lahat ng programmer nasa Singapore. Wag nating sabihin na kaya sila nandun dahil mas malaki ang sahod at mas maganda ang oportunidad. Di ba tayo nagtataka kung bakit puro Pinoy ang nandun? E kasi, magagaling tayo! Bakit walang oportunidad dito? E kasi naman, hindi tayo gumagawa ng paraan. Kuntento na tayo na masabing nakapagtrabaho ko sa ibang bansa.
Nakakapraning! Ang bilis bilis nating magreklamo. Bakit ang trapik? E kasi kaya di kayo nagbabasa ng traffic rules. Bakit lagi na lang baha, ang putik putik tuloy? Gaga, wag ka kayang magtapon ng basura kung saan saan! Bakit ang liit ng sweldo ko? Heler! Magtipid ka kaya! Inuuna mo pa yung cellphone load kesa bumili ng bigas! Ang dami pa nating reklamo. Sinisisi natin ang gobyerno na tayo rin naman ang bumoto. Lahat sinisisi natin maliban sa ating mga sarili. Sa tingin nyo ba uunlad tayo kung hindi magsisimula sa
ating mga sarili?
Nakakasawa! Bakit ba ang hilig nating tumingin sa mga katangiang nakakabulag. Pagdating sa balota, complete lineup! May basketbolistang walang alam, artistang maraming asawa, singer na mas busy sa gigs kesa sa paglilingkod. Walang masama kung hangarin mo ang posisyong yun. Kahit naman sino may karapatan. Basketbolista, singer, artista, doktor, abogado o magbabalut ka man. Pero nakakasawa naman kasi na iboboto mo lang sila dahil ang ganda nila sa poster, o dahil amoy Ninoy kasi ang pitaka. Nakakasawa! Ngayon nagtataka tayo bakit ganito pa rin tayo? May utak ang mga Pinoy!
Tinatamad lang gamitin!
Pero ganunpaman, Pilipino pa rin ako! Masarap sa Pilipinas. Tayo lang ang kumakaway sa camera para makita sa TV kahit nasunugan na. Tayo lang ang nag-aaya kumain ng bisita kahit na wala ka ng maulam. Sa Pilipinas lang may patis, tuyo, bagoong, at kung anu-ano pang tayo lang ang nasasarapan. Dito lang may matatanda na ginagalang ng mga apo, apo sa tuhod at apo sa talampakan. Dito lang masaya ang fiesta, birthday, pasko, bagong taon, valentine’s day, kahit nga lamay napapasaya natin! Meron pa ring nagbabalik ng wallet na napulot. May bata pa nga na namatay dahil niligtas nya yung kalaro nyang nalulunod. Marami pang magaganda, masasaya, nakakagaan ng loob tungkol sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Buksan lang natin ang mga mata natin at subukang gumawa para sa iba at di pansarili lang. Maganda sa Pilipinas. Masarap maging Pinoy. Pero sana, hindi lang ako ang nakakaramdam nito…
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
Category
A Breeze of Good Deeds
Activities for Toddlers
advertorial
Alabang
Anime Reviews
anxiety
archery
Asia
Ask the Kolokoys
Ayala Triangle
Bacolod
Baguio
Batangas
Bicol
Binondo
blogger events
Bohol
books
Boracay
Cavite
Cebu
Cheap Date
Circuit Makati
Coron
diet day
DIY
egg art
escapades
essential oils
finances
foodie.ph
for girls only
friday randomness
games
gastronomic adventures
giveaways
Glorietta
goals
Greenbelt
health
Ilocos
Je Tries to Bake
Je Tries to Cook
junk foods
KDrama
Kolokoy Household
Laguna
LEGO
life's simple treats
Little Kolokoy
love bug
Lucky Chinatown
Makati
Mandaluyong
Manila
married life
mental health
Minnesota
MOA
money
motherhood
movies
music
My Sweets' Haven
Nanay Kolokoy Picks
online shopping
OOTD
Palawan
Pampanga
parties
Pasay
Pasig
Philippines
photography
politics
pregnancy
Puerto Princesa
Quezon City
Quiapo
random
readers
recipe
reviews
Robinsons Galleria
Robinsons Manila
Seattle
Shangrila
shirts
shoes
Singapore
SM Aura Premier
SM Jazz
SM Manila
SM Megamall
sponsored post
sports
staycation
Subic
Tagaytay
The Fort
The Kolokoy Home
The Podium
Throwback Thursday
Top 10
Trinoma
TV
USA
vlog
wedding preps
Zambales
Post a Comment