ANG MGA BABAE TALAGA OO

(From my Friendster blog site originally posted on September 2, 2008)

I received an email from Joie this morning titled “ANG MGA BABAE TALAGA OO”. It has the conversation of two imbeciles in a drinking session whining about how women make the men’s lives miserable. It was followed by a girl’s response titled “ANG MGA LALAKI NGA NAMAN OO”. Since I felt that her reply lacks conviction, I decided to defend my tribe. [Di ko na sinama yung reply nya kasi mas maganda naman yung reply ko. Saka natuwa naman si Joie at Kriska. Hehehe! Ang feeling ko!]

ANG MGA BABAE TALAGA OO
by redrope

*grabe. usapang lalake*

*sindi ng yosi* [Je] O tignan mo na lahat ng bagay dinadaan sa yosi at toma! Umpisa pa lang yan ha! :p

*hithit*

*buga*

Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan

talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba. [Je] Kasalanan ba ng mga

babae kung likas na may bahid ang male genes ng pagiging slow learners, morons o idiots?

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ’sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal. [Je] Pinagaralan na di pa rin nagets??! O di ba slow nga talaga sila? Saka bakit yan ang pinagaaralan nila? Pero pag nasa school naman, sa girls sila kumukopya ng assignments. Di ba dapat yun muna ang pagaralan nila?!

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? [Je] o ayan ang exhibit A. Sila ang first move. Ibig sabihin, nananahimik tayo tapos bigla nilang ginulo ang mga buhay natin!

E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? [Je] E pag girls ang nanligaw, ang panget di ba?

Ang feeling ng masaktan pag nabasted? [Je] Pakapalan e no? Gusto pag
nanligaw, sasagutin agad? Feeling ha!

Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo? [Je] Shut up!

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? [Je] Ano namang mahirap dun? Mahirap lang kasi di sincere! Gusto nyo
lang ng gf na pedeng idisplay! Umiinit na ulo ko ha!

Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. [Je] E pinasok nyo yan e! Panindigan nyo!

At ano ang kapalit?

Well, depende sa trip nila.

Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. [Je] Oy TRIP is a strong word ha! Choice ang tawag dun! Morons talaga!

Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. [Je] Mahal na mahal? E akala ko ba mahirap sabihin? So madali lang
isulat? Hehe!

Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan. Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

“Hindi pa ‘ko ready eh..”, [Je] Baka naman kasi atat ka?
“Sorry pero I think we should just be friends..”, [Je] Anong masama dito?
“Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha..” [Je] Minsan kasi lahat dinadaan sa biro. Kaya akala namin joke lang din. Well minsan nga joke lang!

“Better luck next time na lang muna, okay lang?”, [Je] At least may words of encouragement pa o!

“Give me a decade. Pag-iisipan ko
muna..”, [Je] Exagg ka ha! Walang ganyan! Kung meron man, buti nga sayo! Hehe!

“Para lang kitang kapatid e..”, [Je] Wala ring masama dito ha! You lost a prosprective gf, but you gained a sister! yehba!

yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng
langit at lupa ‘yon para saten. [Je] Di lang cla morons, pessimisstic pa!

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo. [Je] E kayo kasi ung magulo kaya kayo
ang aayos ng gulo. Kayo ang gago kaya kayo ang dapat magpakabait. Kayo ang
tamad kaya kayo ang magttyaga. At higit sa lahat, kayo ang mga kaliwete,
salawahan, two-timer at babaero kaya kayo ang dapat maging devoted at faithful!
Common sense naman ng konti o!
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. [Je] E kasi nga morons kayo kaya kelangan ipaalala pa sa inyo lahat ng
bagay! Have i not made myself clear that you are morons?

Ewan.
Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
[Je] di nyo lang talaga maintindihan. Morons nga e!
*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.[Je] Iba? Mature? Sino kaya ang bumibili ng matchbox, robot, batman,
superman, spiderman at lahat pa ng man? Sige tawagin nating maturity yun!
*hinga ng malalim*

*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘to, either sawa na sila, [Je]Minsan nakakasawa naman talaga!

Hindi na tayo trip, [Je] Did i just say that TRIP is a strong word?

May nahanap na silang better saten, [Je] Di naman better, someone worthy lang.

O kaya they need f*cking space and time muna. [Je] E kelangan nyo rin yan ha. Di ba nga may “boys’ night out” pa kayong nalalaman. At galit na galit kayo kapag tinetext kayo kapag di kami kasama??? Duhh!

Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod. [Je] E kasi nga morons!

At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan.Na playboy. Na nagpapaiyak. [Je] E kayo naman talaga! Meron bang PLAYBOY na girl? Duhh again! Morons?!

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.
[Je] Mas civilized kasi kaming mga girls. Kaya we can
still offer friendship kahit na you destroyed our lives! Mahirap kaya to be
friends with a moron and then look for another moron to love and later on leave
us broken again.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi.
Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni.
Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.

[Je] I know the girls are now laughing while the boys just can’t accept the fact
that they are morons. Wag na kayong magalit. Kayo ang nagsimula e. Sumagot lang
kami! Wahahaha! Hmmm, I love a guy. Which means I love a moron. Does that also
make me a moron???!! Peace! :):):)


Post a Comment

My Instagram

Copyright © jE's AnAtOmY.