Kolokoy Household: Episode 54

Published on November 24, 2014

Mr. Kolokoy’s birthday week is finally over! He is no longer entitled to be spoiled, and he already lost his license to bully me. Haha! If you’re following me on Instagram (What?! You’re not yet following me?! Anong klaseng readers kayo?! Haha! :p) then you probably had a glimpse of how we celebrated his 31st birthday. My husband and I are not fans of having grand birthday celebrations. We just spend it with those who really matter – our family and friends. But because he has to live with a blogger wife, I think he has finally adjusted to having strangers greeting him on days like his birthday. Aba, may humingi pa ng fan sign! =)) But seriously, my husband wants to thank all of you, my dear readers, for celebrating not just his birthday, but every milestone of the Kolokoy Household. At dahil ma-drama na, tara! Kolokoy Household na!!! =)


BRA

My younger brother, Abes, saw the undies that we washed.

Abes: Bra ba ‘to?!
Me: Ano na naman ihihirit mo?
Abes: Ang kapal ng foam! Puro daya ka lang pala e. Hehe.
Me: Ulul! Hindi kaya ‘yan makapal. Sakto lang.
Abes: Anong hindi? E kung mabaril ka, hindi ka mamamatay e. Parang bullet vest na ‘to e!
Me: Hahahaha!


FOREVERMORE

I love watching Forevermore. Pantanggal stress ko ‘yan daily. More than Enrique Gil, I watch it because I like seeing my girl crush, Liza Soberano! Haha! One night while I was watching it with my husband, I noticed how beautiful Liza’s nose is. If God gives me the chance to choose one part of my body that He could change, I would answer “nose” without even thinking! Ang kamatis lang kasi ng ilong ko. :p

Me: Hayyy! Ang ganda ng ilong ni Liza Soberano!
Boyet: In fairness, oo nga ‘no?
Me: Sana kapag nagkaanak ako, ganyan din ang ilong!
Boyet: Hay naku, Je! Kapag sa akin nagmana ang anak natin, wala ka ng po-problemahin!
Me: E kung ikaw lang, ilong ko na lang! :p




POGI PROBLEMS

We spent Boyet’s birthday with my in-laws. Nico, the eldest among his nephews and nieces, also celebrates his birthday on November 21. He just turned 13. He invited some of his classmates to come over to their house. One girl came over too. We were in the living room along with Nina, Boyet’s niece. She's turning 12 next month.

Boyet: Sino ‘yun, Kuya? Girlfriend mo?
Nico: Hindi. Break na kami.
Boyet: Hay naku. Ayan, nararamdaman mo na ang matagal ko ng problema. Ganyan talaga e. Magka-birthday tayo kaya pareho tayong habulin ng mga babae!
Nina: Assuming ka, Tito Boyet!
Boyet: Totoo ‘yan. Ayang Tita Jerellt mo, ‘yan ang habol ng habol sa’kin. Nagmamakaawa pa nga ‘yan pakasalan ko lang e.
Nina: Nagtitiis na lang kaya sa’yo ‘yan si Tita Jerellt!
Boyet: Hoy! Totoo ‘yan! Ang pogi pogi ko, habol lang ng habol ‘yan sa’kin.
Me: Ang kapal ng mukha!
Boyet: O bakit? Nakita mo naman mga pamangkin ko, ang gaganda at ang popogi!
Nina: Oo nga. Ikaw lang naman panget sa pamilya natin e!
Me: Hahahahahahaha!
Boyet: Alangya! Ang bu-bully niyo! Wala na akong kakampi sa pamilyang ‘to! Ako kaya ang Tito niyo!!!

#BoomBasag


Enjoy the rest of the week! Smile! =)

You Might Also Like

4 comments

  1. Bakit nga ba patok ang Forevermore? Magaling ba direktor or yung mga actors talaga ang nagdadala? Hahaha, pogi problems much si hubby mo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same people behind Got to Believe din yata kasi kaya nakuha na ang kiliti ng mga Pinoy. Hihi.

      Delete
  2. Hahahaha belated happy bday efren boyet.
    Fan din ako ng forevermore. Favorite ko si bangky. Panalo sa lines e, makaenglish pa da best! Hahah
    Hindi naman kamatis ang ilong mo. Okay naman ah. Isipin mo na lang baka pag naging ilong ni Liza yan hindi naman babagay sa face mo. Yung nose mo bagay lang sa face mo. :) ako din small ang nose ko e heheh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo! Grabe lalo na 'yung "Pagdating kasi sa puso, there is no such thing as a universal answer." Nyahaha!

      Naku maniwala ka sa akin, ang kamatis ng ilong ko. Hirap tuloy mag-smile sa pictures. :p Kahit mga 50% lang ng tangos ng ilong ni Liza, masaya na ako. :p

      Delete