Kolokoy Household: Episode 39

Published on April 28, 2014

Happy Monday, guys! I can’t say that I am ready to go back to work after my short weekend getaway with Mr. Kolokoy (that on the blog really soon), but I need to get back to the daily grind. I know that a lot of people dread the arrival of Mondays so I do hope that this post can at least make you smile. :p


BASKETBALL

My husband loves playing basketball. Hindi man nabiyayaan ng tangkad ‘yung asawa ko, pero magaling ‘yan sa basketball. He recently joined a basketball tournament with his high school batch mates. I initially didn’t allow him to play because of one thing. Palagi na lang siyang umuuwing injured! Putok na kilay, duguang labi, sugat sa tuhod. I’m not sure if it’s because he plays too hard o sadyang madali lang daganan ang mga pandak na gaya niya. =))

Anyway, he convinced me to let him play. Because I knew how much he missed playing basketball (at para rin hindi na tumaas uli ang cholesterol level niya), I allowed him to play. When he came home from his first game, he had this big wound on his elbow!

Me: Ano ba naman ‘yan?! Kailan ka ba uuwi na walang sugat?
Boyet: Ganoon talaga sa basketball. Hindi pwedeng walang masusugatan.
Me: E bakit kailangang lagi na lang ikaw ang nasusugatan???
Boyet: Last na ‘to promise!
Me: Sa laro mo next week, malamang labi mo naman puputok.
Boyet: Oi hindi na ha!
Me: Iwasan mo na lang masugatan ‘yung mukha mo.
Boyet: Bakit?
Me: Mahiya ka naman! Wala ng mapaglalagyan ‘yung peklat!
Boyet: HAHAHAHA! Loko ka ha!

The following week, himala! Walang injury!!!

Me: O nasaan ang sugat mo?
Boyet: Oy, wala ha!
Me: Siguro talo kayo ‘no?!
Boyet: Excuse me! Nanalo kaya kami!
Me: Nanalo kayo ng hindi ka nasugatan?!
Boyet: Oo! DEFAULT e!
Me: Bwahahahahahaha!!!

Michael Jordan at Boston GardenImage taken from wikipedia.org


UNLI USAPAN

Our room happens to be the hottest part of the house. That is because it is situated at the back part of the house, and that part is surrounded by three-storey houses. We didn’t invest for an air conditioner because we will be moving in really soon to our own house. But since it’s summer once again, getting a good night sleep is starting to become a struggle.

My parents leave the house very early in the morning to go to work. And since their room allows more air to come through, Mama suggested that we transfer to their room when they leave.

At dahil si Mama Kolokoy ang kausap ko, natural lang na magulo! :p

Me: Ang init init kaninang umaga. Lumipat kami ni Boyet sa kwarto niyo e.
Mama: Ah lumipat kayo?
Me: Oo lumipat kami.
Mama: Dapat lumipat kayo.
Me: Lumipat nga kami!
Mama: Ah akala ko kasi lumipat kayo e.
Me: Hindi. Hindi kami lumipat.
Mama: Sa susunod nga lumipat kayo.

HAHAHAHAHAHAHAHA!!!


NOGNOG

Me: Grabe, umiitim ako lalo! Tanghaling tapat kasi kami naglalakad para makapag-exercise e.
Boyet: May nagsabi nga rin sa’kin kanina na umiitim daw ako e.
Me: Partida hindi pa tayo nag-swimming niyan ha!
Boyet: Pero in fairness, natuwa ako na may nagsabi na umitim ako ha.
Me: Bakit?
Boyet: Akalain mo ‘yun, may iiitim pa pala ako!
Me: Bwahahahaha!!!



STARRY, STARRY NIGHT

Boyet and I were having a romantic dinner in a very secluded place in Tagaytay. It’s just a small bed and breakfast place so we had the restaurant all by ourselves that night.

Boyet: Ang liwanag ng star o!
Me: Ay oo nga!
Boyet: Nasaan ang moon?

Me: Hindi ko makita. Baka nasa kabilang side.
Boyet: Nandiyan din sa side na ‘yan ang moon. Lagi niya kasing kasama ang Venus.
Me: Nasaan ang Venus?!
Boyet: Ayan o. Hindi ba Venus ang brightest planet kaya madalas mapagkamalang star?
Me: Hahahahahahahaha!
Boyet: Bakit?!
Me: Hahahahahahahaha!
Boyet: Bakit nga?

Me: E gumagalaw pala ang Venus!
Boyet: Huh?!
Me: Timang! Hindi ‘yan Venus! Eroplano ‘yan!
Boyet: Hindi ha.
Me: Hahahahahaha!

After 30 seconds…

Boyet: Ay oo nga! Hehe!
Me: Hahahahaha!

Siyempre hindi ako naka-get over!

Me: E ano ‘yung mga ilaw na nasa baba? (It looks like a runway.)
Boyet: Nasaan?
Me: Ayun o. Tingin ka sa baba.
Boyet: Ay buildings yata ‘yan e.
Me: Mali! Stars ‘yan!
Boyet: Hahahahaha!
Me: Ang yabang yabang mo kasi. Akala mo kung sino kang host ng National Geographic. E hindi mo naman alam ang difference ng star at airplane!

Boyet: Hahahahaha!


Enjoy the rest of the week! =)

You Might Also Like

0 comments