My doctors also advised me to take things slowly, relax and find a diversion. Surprisingly, I found editing videos for our YouTube channel a bit therapeutic. Ang shonget nga lang ng finished product, pero at least, panandalian siyang nakatulong para sa kalusugan ko! HARHARHAR! At siyempre, ang constant diversion ko ay ang mga Kolokoys! I realized that when you get into the kind of situation that I’m currently in, you get to appreciate every little thing that makes you happy. Kaya eto, Kolokoy Household tayo mga beshiecakessss!!!
BABY BROTHER
Zayne has been praying for a baby brother for a long time. She includes it in her prayer every night. And lately, she “talks” to Papa Jesus each time she passes by our altar at home. Sobrang atat na siya. Madalas nakakatuwa. Pero minsan, nakakainsulto na rin. Hahhaha!
Scenario 1 – Zayne placed her ears on my tummy.
Zayne: Hello, tummy! Is my baby brother in there?
Me: Hmmm, not yet.
Zayne: Is your UTOT in there?
HAHAHA! SARAP UTUTAN E!
Scenario 2 – I asked her to “predict” whether my tummy already has her baby brother.
Me: Zayne, do you think you already have a baby brother?
Zayne: Yes, Nanay!
Me: Why?
Zayne: Ang laki na kaya ng tummy mo! O, see?! (Sabay taas ng shirt ko.)
Muntik ko na sabunutan e. Haha!
Scenario 3 - She pulled up my shirt and started kissing my tummy.
Zayne: I love you, baby brother!
Me: We don’t have a baby brother yet.
Zayne: Oh, okay.
Me: ...
Zayne: I love you, BABY WAYS (RICE)! I love you, BABY CHICKEN! I love you, BABY ONION! I love you, BABY UBE!
Hahahahahahaha!!! =))
UTOT
Zayne is now in the awkward stage where she “announces” every time she farts. Kahit nasa gitna kami ng supermarket, isisigaw niya na, “Nanay, umutot po ako!” Tinuruan kasi namin siya na bawal magsinungaling. Ayun, nasobrahan! Wahaha! Kaya kapag nag-deny siya, alam namin na nagsasabi siya ng totoo. Ayun, mej nasobrahan nga lang yata uli.
Me: Zayne, it’s stinky! Did you fart?
Zayne: No, Nanay. Mouth ko lang ‘yun.
HAHAHAHAHAHA!!!
KOREAN
We say a “standard” prayer every night. After that, Zayne would pray all her personal intentions. We were all surprised when she said this one night.
Zayne: Annyeonghaseyo, Papa Jesus! Annyeonghaseyo, Mama Mary!
Muntik ako mag-tumbling habang nakahiga e. Nyahaha! Ayun, kaya gulat na gulat rin ako na bigla siyang nagsabi ng Annyeonghaseyo sa isang vlog namin after I mentioned about how some Koreans prepare their food. In case hindi niyo pa napapanood, watch niyo dito!
(Tag niyo rin ako in case magluto kayo ng Inihaw na Liempo after watching this! HAHAHAHAHA!)
MALILIGO AKO!
I mentioned in a lot of posts in the past that my husband and I are consciously raising a bilingual child. Zayne speaks in Filipino most of the time, but we allot “English Time” every night. One time, I saw her pretending that she’s taking a bath.
Me: Hey, what are you doing?
Zayne: Naliligo po ako, Nanay.
Me: What? It’s English time.
Zayne: I take a bath...
Zayne: Nope. You’re doing it already, so it should be I’M TAKING.
Zayne: I taking a bath.
Me: Nope. I’M.
Zayne: I’m take a bath.
Zayne: I take a bathing.
Zayne: I’m take a bathing.
Zayne: I’m taking a bathing.
Me: …
Progressive Tense: …
Grammar: …
Wahahaha!!! =)))
You’ve probably noticed that Zayne has already dominated my Kolokoy Household posts. Mej nalaos na si Boyet na dating bida tuwing Monday. Kaya sa lahat ng mga loyal Kolokoy Household readers ko na naka-miss sa kanya, eto na ang comeback ni Tatay Kolokoy! Tiwala siyang mag-ka-crash ang YouTube dahil sa pag-viral ng first vlog niya, kaya panoorin niyo na. Parang awa niyo na, please! Hahahaha!!! Sakto ang vlog na ‘to dahil Monday ngayon at malamang ay maraming tinatamad pumasok! :p
Show us some love by subscribing to our YouTube channel!
Enjoy the rest of the week!!! :)
Humagikgik ako sa office cubicle ko sa "annyeonghaseyo Papa Jesus!" ni Zayne! hahahaha :D
ReplyDeleteLately nga sumasagot din si Zayne tapos babaguhin niya voice nya. Kunwari siya rin si Papa Jesus. Haha!
DeleteHahaha, baby foods pala ang laman ng tummy! :P
ReplyDeleteWaaah, minsan nga makapagpaturo sayo mag-edit ng video, sis, ganda ng mga vlogs nyo andaming effects, eh. Gusto ko yung may tumatawa na pang-asar, tulad ng sa vlogs nyo ni Zayne at iba pang vlogs ng celebs. Ngayon kasi, iMovie lang gamit namin pang-edit, kaya limited lang pwede magawa.
P.S. Whatever it is, Je, may God heal you completely so you could be the best version fo yourself for your family. Amen. :)
Thanks, Edel! :)
DeleteNaku, free software lang din gamit ko sa pag-edit. At dahil sinisingit ko lang din pag-uwi ang editing, madalas umaabot ng more than 1 week bago ko matapos. At ang bagal ng internet namin! Kaloka! 'Yung 15 minutes na vlog, 12 hours ang upload time. HAHAHAHAHA!
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete