Hello, guys! Happy Feb-ibig! Charot! Hahahaha! :p Anyway, it’s been a while since the last Kolokoy Household post. The latter part of January was incredibly hectic for us. Boyet and I are both busy with our respective jobs. My to-blog list is piling up. And we’re currently hooked to checking out designs for our house, which by the way, will finally be turned over to us this week! Halleluiah! Bwahaha! But I still can’t share it with you yet because we still got loads of things to do to make it look like a real house. Hihi. Okay, nakapagpaliwanag na ako. Babawi na lang ako ngayon ha?! Bwahaha! :p
SELOSO
Do you remember Rai? He’s Boyet’s nephew whom he loves to bully. Hahaha! On my birthday, Rai called to greet me. When I asked him to sing me a Happy Birthday, he gladly obliged. The weekend following my birthday, I went to Tondo to spend it with Boyet’s side of the family. I was supposed to buy food, but I was so surprised that my sister-in-law already had something prepared. (Thanks, Ate Ai and Ate Sarah!!!) E siyempre, nagselos si Boyet!
Boyet: Ano ba naman ‘tong pamilya ko? Ayan, ganyan kayo ha! Mas mahal niyo si Tita Jerellt kesa sa’kin! Pinag-lechon niyo pa?!
Me: Hahahaha!
Boyet to Rai: O ikaw! Tumawag ka pa kay Tita Jerellt. Tapos kinantahan mo pa siya ng Happy Birthday.
Me: Hala! Nagtatampo si Tito Boyet. O sige, kantahan mo na siya, dali!
Rai: Happy birthday, Panget. Happy birthday, Panget. Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Pangettttttttttttttttttttttt...
TV
Boyet was working overtime for one week straight. I would get angry at him every day because I was missing Forevermore. So that weekend, he bought me a chipipay phone with analog TV. Eto na naman si Mama!
Mama: O, wala pang isang taon ang phone mo, bumili ka na naman?
Me: Binigay lang ‘yan sa’kin ni Boyet.
Boyet: E kasi lagi niya akong inaaway kapag hindi niya napapanood ang Forevermore e. Kaya binilhan ko siya ng phone na may TV.
Mama: May TV ‘yan???
Boyet: Oo, Ma. Meron.
Mama: Hay naku! Hindi na ako naniniwala sa’yo. Palagi mo na lang akong niloloko.
Boyet: Ano ka ba naman, Ma? Bakit naman kita lolokohin? Ayan, o. O eto, channel 2.
Mama: Oo nga ‘no? Kumpleto lahat ng channels?
Boyet: May cable pa!
Mama: Tse!
After a few minutes…
Mama: Magkano bili niyo diyan?
Boyet: 7,000.
Mama: 7,000???
Me: Ikaw, uto-uto ka. 700 lang ‘yan.
Mama: Eto kasing asawa mo e!!!
Me: Mumurahin lang ‘yan. Kita mo nga, ang hina ng signal.
Mama: Itapat mo ‘yung antenna sa lupa! Ganun ‘yung ginagawa natin sa TV natin dati kapag walang signal, ‘di ba?!
Me: Hahahaha! Ang problema ko pa dito, since mura, baka madaling masira ‘yung antenna. E anong gagawin ko kung nasira na ‘yung antenna?
Mama: Lagyan mo ng tinidor!!!
Me: Hahahahaha!
Proud na proud pa ang nanay ko sa mga suggestions niya. Kung hindi mo na-gets ang punchline, malamang masyado ka pang bata. :p
FOREVERMORE
One night while we were watching Forevermore…
Me: Grabe ‘tong si Kate! Ang tanga na, ang desperada pa.
Boyet: Hay naku. Sinabi mo pa. Problema ko rin ‘yung mga ganyang babae dati.
Me: Utot mo!
Boyet: Seryoso.
Me: E kung ikaw si Xander, anong gagawin mo?
Boyet: Susundin ko ang utos ng Diyos.
Me: Na?
Boyet: E ‘di ba sabi ni Lord, i-share mo ang talent mo. E talent kong maging pogi. Kaya i-se-share ko ang kapogian ko kina Agnes at Kate.
Me: … … …
Boyet: O, bakit?
Me: Hmmm, wala. Imposible naman kasing malagay ka sa sitwasyon ni Xander!
Boyet: Salamat ha! Langya, hindi ka man lang kinabahan?!
MAMA vs BOYET
At dahil nga paalis na kami ng bahay, sinusulit na ni Boyet ang pang-aalaska sa nanay ko. Isang beses, may pinakita ako kay Mama na picture sa Facebook. E nag blackout ‘yung screen due to inactivity.
Mama: Hala, nawala! Paano ‘to ibabalik?
Boyet: Hipan mo, Ma!
Mama: Sira ulo!
Boyet: Hipan mo nga!
Mama: Sira ulo!
Boyet: O eto, tignan mo (hinipan ‘yung phone sabay pindot sa on/off button)
Mama: Ewan ko sa’yo!
Boyet: Ayaw mo maniwala, Ma. Hihipan ko uli, tapos mamamatay ‘yung phone! (hinipan uli, tapos namatay)
Mama: Ibalik mo na nga ‘yang asawa mo sa nanay niya!!!
Hindi pa nakuntento si Boyet. Kinagabihan, pinakita ni Abes na kaya ng phone niya na maging universal remote control. Nag-demo siya sa TV namin. E pumasok si Mama…
Me and Boyet: Ang galing ha!!!
Mama: Ano ‘yun?
Me: Nalilipat ng kusa ‘yung TV!
Mama: Paano?
Boyet: Eto, Ma. Tignan mo. Hihipan ko ‘yung remote control!
(Hinipan ni Boyet, nilipat ni Abes ang channel using his phone, nalipat ang TV, nag walkout si Mama!)
Mama: Mga sira ulo!
Bwahahahahaha!
Enjoy the rest of the week! =)
Home married life Kolokoy Household: Episode 60
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
Category
A Breeze of Good Deeds
Activities for Toddlers
advertorial
Alabang
Anime Reviews
anxiety
archery
Asia
Ask the Kolokoys
Ayala Triangle
Bacolod
Baguio
Batangas
Bicol
Binondo
blogger events
Bohol
books
Boracay
Cavite
Cebu
Cheap Date
Circuit Makati
Coron
diet day
DIY
egg art
escapades
essential oils
finances
foodie.ph
for girls only
friday randomness
games
gastronomic adventures
giveaways
Glorietta
goals
Greenbelt
health
Ilocos
Je Tries to Bake
Je Tries to Cook
junk foods
KDrama
Kolokoy Household
Laguna
LEGO
life's simple treats
Little Kolokoy
love bug
Lucky Chinatown
Makati
Mandaluyong
Manila
married life
mental health
Minnesota
MOA
money
motherhood
movies
music
My Sweets' Haven
Nanay Kolokoy Picks
online shopping
OOTD
Palawan
Pampanga
parties
Pasay
Pasig
Philippines
photography
politics
pregnancy
Puerto Princesa
Quezon City
Quiapo
random
readers
recipe
reviews
Robinsons Galleria
Robinsons Manila
Seattle
Shangrila
shirts
shoes
Singapore
SM Aura Premier
SM Jazz
SM Manila
SM Megamall
sponsored post
sports
staycation
Subic
Tagaytay
The Fort
The Kolokoy Home
The Podium
Throwback Thursday
Top 10
Trinoma
TV
USA
vlog
wedding preps
Zambales
Ha Ha Ha ginagawa din namin ung may tinidor sa antenna ng tv!
ReplyDeleteAng cute nyo talaga kay Tita. Bwahahah!! Excited na ko sa NEW house. #blessed #blessings
ReplyDeleteNakaktuwa naman ang mag-biyenan. I can never imagine my husband talking to my mom like that. Haha. Sana katulad niyo rin sila para good vibes lang :)
ReplyDelete