Kolokoy Household: Episode 45

Hey, hey, hey! Three consecutive Kolokoy Household is such an achievement, isn’t it? Haha! I hope this post can make you smile. Maraming galit sa Monday. Pero marami din namang excited sa Monday para sa Kolokoy Household post. Mga 3 siguro sila! Bwahaha!


DANIEL PADILLA

A few days before She’s Dating the Gangster was shown, we heard an interview of Daniel Padilla.

Reporter: Ano’ng masasabi mo sa mga nagsasabi na mukha ka daw albularyo sa movie na ‘to?
Daniel: Aba, e napakagwapong albularyo naman nun!
Boyet: Hoy, Daniel! Tayong mga gwapo, hindi dapat nagsasalita ng ganyan! Ako nga hindi ako nagsasabi ng ganyan e.
Me: E hindi ka naman talaga gwapo e!

sdtgImage taken from forums.soompi.com



BUSY AS A BEE

My husband has been extremely busy these past few days (weeks, I think). His mobile phone is ringing non-stop. Even if we’re already at home, he would answer emails, text messages and calls from his colleagues. One night while we were on our way home…

Ringggggggggggggggggggg…………..

Boyet: Baby, pakabit nga ng headset. Need kong sagutin ‘to e.
Me: Ayoko! Nag-da-drive ka e.
Boyet: Sige na, importante ‘to. Traffic naman e.
Me: Outside office hours na, tawag pa ng tawag e. Alam mo minsan, ako sasagot ng phone mo e. Makakatikim sa’kin ‘yang mga tawag ng tawag sa’yo.
Boyet: Anong sasabihin mo?
Me: Akin lang ang asawa ko! Hashtag The Legal Wife.
Boyet: Bwahahahaha!


MENOPAUSE

Mama was telling us how moody Papa was that day. Para silang aso’t pusa lately. Kapag pula si Mama, dilaw si Papa. Laging ganun! Kontrahan ng kontrahan sa buhay.

Mama: Grabe ‘yang tatay mo e. Nag menopause na yata ‘yan e! Ano bang tawag sa lalaki?
Me: MEN!
Mama: Sira! ‘Yung MENOPAUSE ng lalaki.
Boyet: MEN nga, Ma. MEN si Papa. Ikaw naman ‘yung OPPOSE. Oppose ka ng oppose e!
Mama: Wala kang dinner bukas!
Me: Bwahahahaha!


MAKE FACES

Boyet and I were goofing around. I saw him making faces so the usual bickering started.

Me: Hoy, Boyet! Ayusin mo ‘yang mukha mo ha.
Boyet: Inaano ba kita?!
Me: Ayusin mo ‘yang mukha mo. Hindi na nga maayos, ginugulo mo pa e.
Boyet: Hoy, Jerellt! Baka nakakalimutan mo, etong mukhang ‘to…
Mama: Ano na naman?! ‘Yang mukhang ‘yan ang pinakasalan ng anak ko? Ewan ko nga bakit pinakasalan ka niyan e. Hula ko, kinulam mo anak ko e.
Me: Boom panis ka kay Mama!
Boyet: Pag-untugin ko kayo e!
Me: Bwahahahaha!


LIGO SA ULAN

While Glenda was beating Manila, Boyet looked outside. It was like a ghost town. Madilim, walang tao, ang lakas ng ulan at hangin.

Boyet: Teka lang. Maliligo ako sa ulan.
Me: Ano na namang trip ‘yan?! Bumabagyo e!
Boyet: Maliligo ako sa ulan. Ako ang pinakagwapong naliligo sa ulan.
Me: Ay oo naman! Wala ka kayang kalaban!
Boyet: Grrrrrrrrrrrr!!!


Enjoy the rest of the week! =)

Post a Comment

My Instagram

Copyright © jE's AnAtOmY.