Hello! Hello! Hello! We’re already halfway through May, and this is just the first Kolokoy Household post for this month. Ang init kasi. Kaya madalas mainit ang ulo sa Kolokoy Household! Nyaha! :p But seriously, super init lately. Tagos hanggang kaluluwa ang init! Ginawa yatang exhaust ni Satanas ang Metro Manila! I hope you are all drinking lots of water and eating fruits and vegetables. Uso kasi ang sakit dahil sa sobrang init. The Kolokoy Household wasn’t spared of it. I had to rush my husband to the ER of St. Luke’s Global last Friday. But don’t worry, he’s already doing fine. The doctor said that the weather may have triggered a migraine attack. E wala naman siyang migraine dati! Kaloka!
O tara! Tapusin na natin ‘tong post na ‘to bago pa man uminit ang ulo nating lahat. Harharhar!
VIBER
Papa’s best friend has migrated to the US more than a decade ago. And even if the world has already gone digital, they still enjoy calling each other. As in long distance, ha! One day, while Papa and Tito were talking, sumabat si Mama!
Mama: Ang gastos niyong dalawa. Huwag na kayong mag long distance. Hoy, Je! Ano nga ‘yung dapat ginagamit na libreng pantawag?
Me: Viber, Ma!
Mama: Hoy Pa! Mag VIPER na lang kayo para libre!
Me: Ma, Viber!
Mama: O ayun, Pa! Mag FIBER na lang nga kayo!
Me: HAHAHAHAHAHAHA!
INIT SA MAGDAMAG
A few days ago, we heard a song with the lyrics, “Pagsaluhan natin ang init sa magdamag…”
Me: Gago rin ‘to e ‘no?! Makikisalo pa sa init. Iyong-iyo na!
Boyet: Hahahaha!
Kinagabihan…
Boyet: Halika na! Pagsaluhan natin ang init sa magdamag!
Me: Huwag mo akong idamay diyan! Solohin mo ang init! Iyong-iyo na!!!
Boyet: Hahahahaha!
PINAKAMAGANDANG BABAE
One day, Boyet was looking at me. ‘Yung tingin na parang may balak. :p
Me: O ano na naman?!
Boyet: Wala naman. Ikaw kasi ang pinakamagandang babae sa mundo e.
Me: … … …
After 10 seconds…
Me: O bakit? May kailangan ba akong isagot?
Boyet: Inaantay ko lang na sabihan mo rin ako ng ganun!
Me: Ah ok sige…
Boyet: … … …
Me: Baby, ikaw na ang pinakamagandang babae sa mundo!
Boyet: Hmp!
Basag! :p
BIRTHDAY
I have been asking my parents to come with us to Tagaytay. Unfortunately, Mama is so workaholic. At pabago-bago ang isip. Tanungin mo ngayon, gusto. Bukas, ayaw na uli. But just last night while she was looking at the calendar, she brought up the topic of going to Tagaytay.
Mama: Magkano ba nagagastos ninyo kapag nagpupunta kayo sa Tagaytay.
Me: Ayan ka na naman. Tanong tanong ka na naman tapos hindi mo naman maiwan trabaho mo.
Mama: Hindi nga. Magkano nga?
Me: Mahal ngayon kasi peak season. Kapag tapos na ang summer, mas mura na.
Mama: O sakto! ‘Yung birthday kasi ng Papa mo, TUMAPAT NG SEPTEMBER 6!
Boyet: Hahahaha!
Me: Ma, 50+ years ng tumatapat ng September 6 ang birthday ni Papa!
Enjoy the rest of the week! ^_^
Home married life Kolokoy Household: Episode 40
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
Category
A Breeze of Good Deeds
Activities for Toddlers
advertorial
Alabang
Anime Reviews
anxiety
archery
Asia
Ask the Kolokoys
Ayala Triangle
Bacolod
Baguio
Batangas
Bicol
Binondo
blogger events
Bohol
books
Boracay
Cavite
Cebu
Cheap Date
Circuit Makati
Coron
diet day
DIY
egg art
escapades
essential oils
finances
foodie.ph
for girls only
friday randomness
games
gastronomic adventures
giveaways
Glorietta
goals
Greenbelt
health
Ilocos
Je Tries to Bake
Je Tries to Cook
junk foods
KDrama
Kolokoy Household
Laguna
LEGO
life's simple treats
Little Kolokoy
love bug
Lucky Chinatown
Makati
Mandaluyong
Manila
married life
mental health
Minnesota
MOA
money
motherhood
movies
music
My Sweets' Haven
Nanay Kolokoy Picks
online shopping
OOTD
Palawan
Pampanga
parties
Pasay
Pasig
Philippines
photography
politics
pregnancy
Puerto Princesa
Quezon City
Quiapo
random
readers
recipe
reviews
Robinsons Galleria
Robinsons Manila
Seattle
Shangrila
shirts
shoes
Singapore
SM Aura Premier
SM Jazz
SM Manila
SM Megamall
sponsored post
sports
staycation
Subic
Tagaytay
The Fort
The Kolokoy Home
The Podium
Throwback Thursday
Top 10
Trinoma
TV
USA
vlog
wedding preps
Zambales
Post a Comment