PANTAL
I told Boyet that I get a lot of pantal. Kahit na anong linis namin sa bahay, meron pa rin. My dad said that it is because our room is near the windows of a neighbor who has a lot of cats. Pulgas daw, malamang.
Me: E ang unfair naman! Bakit laging ako na lang ang pinapantal? Hatian nyo naman ako!!!
Papa: Sira! Madalas may kagat din ako ng pulgas.
Mama: Bakit ako naman wala?
Me: Lagi na lang ako e. Ang kati kati saka ang pula pula pa. Si Boyet kasama ko naman sa kwarto pero bakit walang kagat ng pulgas?
Boyet: Hoy! Meron din ako ha!
Me: Sige nga, nasaan?
Boyet: Meron yan. Hindi lang halata!
Me: Sa bagay, sa kulay mo, mahirap nga mahalata ang pantal!
Boyet: Gagu!
Pero seryoso, inis na inis na ako. Sayang legs ko e. Ang ikli na nga, mapepeklatan pa ng kagat ng pulgas! :p
KAPE
I have a personal rule. I don’t drink coffee after 2PM. If I do, I have the tendency to have difficulty sleeping at night.
Boyet: Magtitimpla akong kape. Gusto mo?
Me: Ayoko.
After a few minutes…
Boyet: Hindi ko maubos ‘yung kape.
Me: Bakit kasi sa malaking mug ka nagtimpla e sinabi ko ngang ayaw ko?
Boyet: Ubusin mo na, sayang e.
Me: Hindi nga ako umiinom ng kape ng past 2.
Boyet: O e, PAST 3 NAMAN NA E!
Me: @_@
Boyet: Ano ba ‘yang LINE na ‘yan?
Me: Hindi ko rin alam e. Baka parang WECHAT?
Boyet: May WECHAT ka ba?
Me: Wala.
Boyet: Wala naman pala e, e di dapat THEYCHAT lang!
Me: Anak ng!!!
TUMMY
I noticed that my appetite isn’t like what it used to be years ago. Humina akong kumain. Most of the time, wala akong ganang kumain. So one night as I was looking at my tummy in front of the mirror…
Me: Lagi na lang akong walang gana. Tignan mo Baby. Parang lumiit na tyan ko.
Boyet: (no reaction)
Me: Tignan mo, hindi na siya kasinglaki ng dati. Lumiit na talaga tyan ko.
Boyet: Kaya ng Photoshop ‘yan.
Me: Bwisit!
CONTEST ALERT:
Win cupcakes and more! Click here to join My Sweets' Haven's giveaway!
Post a Comment