KOKO CRUNCH
My mom and I do the grocery shopping. One day, I told her that I forgot to buy Koko Krunch from S&R.
Image taken from here
Mama: Hay naku! Eto na nga maikwento ko na. Bumibili ako kanina ng Koko Krunch sa grocery…
Me (looking at the pantry): Yeheyyyyy!!! May Koko Krunch!
Mama: Teka ka nga muna. Hindi pa tapos kwento ko e. Pagpila ko sa cashier, noong saktong ako na ang magbabayad, sinabi ng supladitang cashier na CLOSED na daw. Aba siyempre hindi ako pumayag kasi pinapalipat niya ako sa kabilang pila. Sabi ko sa kanya, “Kanina pa ako nakatayo dito, e di sana sinabihan mo na ako na magsasara ka.” E hindi pumayag, iniwan ko ‘yung pinamili ko sa cashier sabay sabi ko ng, “O ayan, bahala kayong magbalik niyan!” (Parang proud na proud si Mama na pinaglaban nya ang karapatan niya bilang mamimili! :p)
Me (parang sinakluban ng langit at lupa): So in short, walang Koko Krunch?
Mama: Wala nga. Iniwan ko nga di ba?
Me: Ang haba haba ng kwento mo, tapos wala ka naman palang dala? Sana pinaglaban mo man lang kahit ‘yung Koko Krunch ko lang. Huhuhu!
The next day, siyempre may Koko Krunch na kami. Bwahahahaha!
NAKORBO???
One weekend while we were visiting my in-laws, Boyet disappeared. After almost an hour, he came back looking really in pain.
Me: Saan ka galing?
Boyet: Nag-basketball ako. Ang sakit, nakorbo ako!
Me: Anong na-chorva ka? Ano ‘yun?
Boyet: Na-KORBO! Hindi na-CHORVA! Basta eto, parang natwist ‘yung ring finger ko.
Me: Sabi ko naman kasi sa’yo, huwag ka ng magbasketball. Tuwing galing ka ng basketball, umuuwi kang sugatan. Sino bang mga kalaro mo?
Boyet: Sila Liam.
Me: Sino si Liam?
Boyet: ‘Yung bata diyan kanina. Kasama namin si Rai.
Me: Ulit, ulit?! BATA?! Ilang taon si Liam?
Boyet: 5!
Me: E si Rai?
Boyet: 3!
Me: Bata lang kalaro mo, na-injure ka pa?! Hahahahaha! Magtiis ka diyan sa CHORVA mo.
OLAY
I was already taking a bath when I realized that I ran out of body wash. I was too lazy to go out and get a new one.
Me: Baby, ‘yung sabon dito sa blue soap dish sa’yo ba?
Boyet: Oo.
Me: Panlalaki ba ‘to?
Boyet: Je, PANGTAO ‘yan! Gamitin mo ‘yan, hindi ka maaano!
Hellerrrr! It’s like men and women kaya have different skin types! Nyahaha! =))
FIRST-TIMER
I know that a lot of you think that my mom is really funny because of my past Kolokoy Household posts, but those things were spontaneous and unintentional. My mom is not really good in delivering jokes. But there’s always a first time.
I asked my mom to buy me some medicines. I took my dad’s mobile phone and created a reminder. The following day, I asked her about it.
Me: Nasaan gamot ko, Ma?
Mama: Ay potek! Nakalimutan ko!
Me: Nag-alarm pa ako sa phone ni Papa e.
Papa: Oo nga nabasa ko. Ang naipabili ko sa Mama mo, SIBUYAS.
Me: Hahahaha!!! Hindi naman sibuyas ‘yung sinulat ko sa reminder ha?!
Mama (looking REALLY worried): Wala ka na bang gamot?
Me: Wala na e.
Mama: HAHAHAHAHA! Joke lang! Nakabili ako. Ako pa e hindi ako nakakalimot!
Boyet: Hahahaha! Napaniwala ako ni Mama!
Me: First time ko matawa sa joke mo. Utang na loob huwag mo ng uulitin ‘yan ha. Magkano utang ko?
Mama: Huwag na, 100 pesos lang ‘yung gamot mo e.
Me: Buti naman. ‘Yung tawa ko kasi worth 500 ‘yun e, kaya may utang ka pa.
RAI
We were in my sister-in-law’s house one weekend. We were supposed to bring the kids to my parents-in-law’s house. Rai, our three-year-old nephew, was already in the gate ready to leave. We were still inside the house discussing a lot of things. Little Rai got a little bit impatient.
Me: Tara na alis na tayo! Ready na si Rai o.
Rai: TARA! GORABELS NA!
All of us: HAHAHAHAHAHAHA!
Ate Ai (Rai’s mom): Oo nga naman. Gorabels na daw kayo. Di ba Rai no? Alis alis din…
Rai: PAG MAY TIME!!!
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!
Enjoy the rest of the week! ^_^
CONTEST ALERT:
Click here to join Funtastic Shop's anniversary giveaway!
Post a Comment