Kolokoy Household: Episode 71

Published on August 15, 2016

Hello, my lovely readers! I hope you are safe and dry wherever you are. Parang forever na ang ulan ‘no? We’ve been having such gloomy weather for a couple of weeks already. I hope that your mood won’t get even gloomier after reading this Kolokoy Household post! Hahahaha!

My best friend, Aubrey, and I work in the same building. Madalas, sumasabay siya sa amin umuwi. Kaya naman pagsasamantalahan ko na ang pagiging user-friendly niya. Guest siya ngayon sa episode na ‘to! Hahaha!


SHIFT

One time, we were talking about her sister who was applying for a new job in Makati.

Me: O, kamusta naman ‘yung application niya?
Aubrey: Ok naman. Tanggap na yata siya e.
Me: So hindi na siya night shift?
Aubrey: Hindi na. Ang ganda nga ng shift niya e. 6AM-3PM.
Me: Wow! Ayos ‘yun! Walang traffic papasok at pauwi.
Aubrey: Oo. Tapos parang ang haba pa ng araw mo.
Boyet: Panget kaya ang 6-3!
Me: Maganda kaya!
Boyet: Panget yun!
… … …
… … …
… … …
Boyet: Ang mas magandang shift, 10-3!
Aubrey: HAHAHAHAHAHAHAHA!

Oo nga naman!


FERRERO RONDNOIR

Aubrey asked me if Ferrero Rondnoir is expensive. Actually, hindi ko alam kung ano ‘yun. Nag-Google pa nga ako e! Hahahaha! After ko mag-Google, sinagot ko naman ang tanong niya. :p

ferrero

May point naman ako, ‘di ba?! Bwahahahahaha!!!


SELENA

A couple of weeks ago, a radio station was having a contest, and the prize was a concert ticket.

Me: Concert daw nino?
Boyet: Ni Selena.
Me: Ahhh.
Boyet: DALRYMPLE!
Me: Wow! Bagong bago ‘yung joke mo!


BILINGUAL

We’re trying really hard to raise a bilingual child, that is why my husband and I agreed that we should speak either in straight English or straight Filipino. Bawal ang adulterated English. Bawal ang conyo.

One time, I was telling Zayne to stop holding the curtains. Maalikabok na kasi.

Me: Zayne, do not touch it. It’s dirty!
Boyet: Zayne, don’t! Don’t… don’t…
Me: O, ano’ng don’t?! Tagalugin mo na lang kasi kesa nahihirapan ka.
Boyet: Don’t, don’t lang naman talaga ang gusto kong sabihin.
Me: Huh?!
Boyet: In Tagalog, HUWAG! HUWAG!

Ako pa ang mali! @_@


FERN-C

I asked Boyet to go to the grocery because we ran out of cotton.

Me: Ay, Tatay. Pabili na lang din ako ng vitamins.
Boyet: Anong vitamins?
Me: FERN-C.
Boyet: Ok.

After 5 minutes.

Boyet: Bulak lang, Nay? Ay saka FRENZY pala!
Me: Anooooo????
Boyet: FRENZY?

May balak. Strike 1!

Me: FRENZY mo mukha mo!
Boyet: Bakit?
Me: FERN-C, Tay. FERN-C!
Boyet: Ano ba’ng sinabi ko?
Me: FRENZY.
Boyet: Bakit, ano ba ‘yung FRENZY?

Maang-maangan. Strike 2!

Hahahahahaha!


Enjoy the rest of the week! =)

You Might Also Like

4 comments

  1. Lakas din ng tawa ko sa MAC joke mo, hahahaha. Akalain mo, naisip mo yun, talino mo, sis. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sis, ayan talaga ang full name ng MAC! Hahahaha! :p

      Delete
  2. Taena kahit ako yung andun, tawang tawa padin ako. Bwahahaha! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Kaso napaghahalataan na nagtsitsismisan tayo sa oras ng trabaho! :p

      Delete