Zayne has fully recovered. Malayong-malayo sa chura niya dito after her blood extraction.
Pero dahil food is life, ok na uli siya after a few minutes. Haha!
I am dedicating this post to celebrate Zayne’s recovery. Pero sa totoo lang kasi, wala na talaga kaming ambag sa Kolokoy Household!!! HAHAHAHAHA!!!
BILINGUAL
I would like to think that my husband and I are doing well in raising a bilingual child. A friend complimented me and said, “Ang tatas mag-Tagalog ni Zayne tapos marunong din siyang mag-English.” Zayne knows that it’s Filipino time in the morning because that’s when she spends time with our stay-out yaya. And then it’s English time kapag Wowowin na! Hahaha! Favorite niya ‘yung SAYAW INDAY, bakit ba?! So far, ok naman. May mga times nga lang na sablay ng slight like this one time when I saw her wiping the table.
Me: Hey, Zayne! What are you doing?
Zayne: I’m PUNASsing the table!
At least alam niya ang progressive tense! Wahahaha!!!
--- --- ---
Minsan naman, straight ang English kaso mej sablay.
Zayne: Nanay, you close the lights.
Me: No, Zayne. It should be TURN OFF the lights.
Zayne: Nanay, turn off the lights, please.
A few days after:
Zayne: Tatay!!! Ipis!!! Turn it off! Turn it off!!!
--- --- ---
Minsan naman, sadyang baliwag lang siya.
Zayne: Nanay, what did you say?
Me: I said continue eating.
Zayne: I need to continue eating?
Me: Yes.
Zayne: Nanay, dapat continME!
HAHAHAHAHAHAHA!!!
WIWI
Zayne: Nanay, bakit ako kinikilig kapag nagwiwiwi.
Me: Ahmm... Kasi... bale ‘yung bladder kasi natin... ano... ahmmm...
Tatay: Ano ka ba? Three years old lang ang kausap mo, ano ang alam niyan sa bladder?!
Me: O, sige bakit kinikilig kapag umiihi?
Tatay: Kasi, nagiging happy ang body natin dahil nakawiwi na tayo.
Ayun! Sumisigaw si Zayne tuwing umiihi ng, “Yehey!!! Happy na ang body ko!!!” Susme! Kahit nasa public restroom kami!!! @_@
MILK
One night while I was bathing Zayne, she looked at me with a very sad look in her eyes.
Zayne: Nanay?
Me: Yes?
Zayne: Anak mo ba talaga ako?
Lintek na Nido ‘to! Hahahahaha! Ngayon, eto naman!
OA
My husband and I were spanked as kids, but we are trying very hard not to raise Zayne that way. We are very strict, but we are staying away from how we were disciplined as kids. We talk to her when she throws tantrums. Kapag ayaw, mapapagod siyang kakaiyak. We try hard not to be held hostage by a three-year-old. Maliban kasi sa hindi kami naniniwala sa palo, mahirap ding paluin ‘to si Zayne e. Nuknukan ng OA e! Parang one time…
Me: Zayne, time to take a bath!
Zayne: Noooooooooooo!!!
Me: Come here.
Zayne: Ayokoooooo!
Me: Halika nga!
She came to me, and she started crying!
Me: O, bakit ka umiiyak?
Zayne: Ay, hindi mo ba ako kinurot?
O, ‘di ba? Advanced mag-isip!!!
MAS ADVANCED MAG-ISIP
Zayne suddenly hugged me and started crying.
Tatay: Why are you crying?
Zayne: I’m scared of the dog!
Tatay: We don’t have a dog!
Zayne: Tatay, bilhan mo nga ako ng dog para matakot ako.
Craziness Level: 9999
TOWEL
Zayne handed Boyet his towel when he told her that he would be taking a bath. She then handed me my towel.
Me: Hindi pa ako maliligo.
Zayne: Hindi mo na po ‘to gagamitin? Ibebenta ko na ‘to ha!
Sa pagkakatanda ko, hindi pa naman kami naghihirap! HAHAHAHAHA! Ayun, kinabukasan pagkatapos namin maligo.
Zayne: Wow, ganda ng towel mo ha! Buti na lang hindi ko ‘to binenta!
Paging Olx, Carousell and Shopee, baka po kailangan niyo ng brand ambassador! Hahahaha!!!
BIRTHDAY GIFT
Mama: Zayne, malapit na ang birthday mo! Ano’ng gusto mong gift ni Mama sa’yo?
Zayne: Panty!!! Kinakain na po kasi ng pwet ko ‘yung mga panty ko e!
Hahahaha! Pinagmukha pa akong masamang ina netong anak ko! =))
Hindi namin magawan ng unboxing video and SO-EN panties na birthday gift ni Mama kay Zayne, kaya eto na lang gift namin ni Tatay!
Nag-susbcribe na ba kayo?! Hindi pa? O, subscribe HERE na! :p
Enjoy the rest of the week! :)
Hahaha, ang bibo mo talaga Zayne! Hope to bump into you someday! :)
ReplyDeleteMerry Christmas, Andrade family! :)
Thanks, Edel! Merry Christmas. :)
DeleteIba talaga ang mga hirit ng batang yan!! :) Wala na si Boyet. Extra nalang.
ReplyDeleteHahahaa! Tumaas na tuloy standards ko sa mga jokes ni Boyet. :p
DeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete