Anyway, I know that I have neglected this blog. (Wala pala akong entry for October?!) But I know that a lot of you are praying for our growing family, and that you will all still be there when I get my groove back! I was initially planning to blog as much as I can and have scheduled posts so it will look like I am still blogging on my first few weeks of motherhood, but I just don’t have the time and bandwidth to do it. But I will still try to do it this week! I guess a new Kolokoy Household post is a good start, don’t you think? =)
OTWOL
I don’t really get the chance to watch local teleseryes except for On the Wings of Love. Yeah, I’m sort of a JaDine fan! Hihihi! I remember the time when people were laughing at me because I watched Diary ng Panget. And now these same people are salivating over James Reid! (Oo, Joie! Kasama ka dun! Hahaha!) If you’re an OTWOLista, then you probably remember the memorable (and quite funny) scene where Clark (James Reid) and Jigs (Albie Casino) went on a shirtless battle.
Ang hindi alam ng marami, may humamon kina Clark at Jigs!
Bwahahahahahahahaha!!! =))=))=))
PASTILLAS GIRL
The Kolokoy Household is a proud member of the AlDub nation. Mama makes sure that she does not miss a single episode of the Kalyeserye. Kahit gaano siya ka-antok, pipilitin niyang manood bago siya mag-siesta. Papa does not get to watch it because he sleeps earlier. But one time during dinner, we got surprised when we found out that he is actually updated with AlDub. Apprently, his friends are also big AlDub fans!
Papa: Malapit na palang magkita ‘yung AlDub ‘no?
All: ???
Me: Kilala mo ang AlDub?
Papa: Oo naman! Pati ang mga lola!
Boyet: Aba! Updated si Papa!
Papa: E tuwing mag-iinuman kami, ayun ang topic nila e. Tinapatan na rin nga daw ng kabila ‘yun e. Si Polvoron Girl!
Me: Pastillas, Pa! Pastillas Girl!!!
NORMAL DELIVERY
Boyet and I were discussing about my fear on the possibility of having Baby Z through a Caesarian section.
Me: Kausapin mo nga si Baby na dapat normal delivery kami.
Boyet: Positive thinking ka lang kasi dapat. Ang liit naman ni Baby e so kaya niyo ‘yan!
Me: E kaso nga, ‘yung ibang body parts niya behind ng gestational age nya. Pero ‘yung ulo niya, palaging 1 week ahead naman! Baka mamaya hindi magkasya ‘yung ulo e!
Boyet: Hay naku! Huwag mong problemahin ang ulo ng anak mo. Kung sakaling ma-CS ka man, hindi ulo niya ang sasabit sa’yo.
Me: Ano?!
Boyet: ‘Yung nguso niya!

BURPING
Me: Dapat kapag after ko magpa-breastfeed, ikaw naman ang magpa-burp para maka-rest ako o kaya makagawa ako ng gawaing-bahay.
Boyet: O sige ba! Madali lang ‘yan.
Me: Sige nga, paano?
Boyet: Kakargahin ko siya ng patayo, nakasandal siya sa’kin paharap tapos ‘yung ulo niya nasa balikat ko.
Me: Pero sabi dito sa book, aside diyan, may two ways pa raw ng pagpapa-burp. Eto ‘yung isang way daw o.
Boyet: Ayyyyy! Nananakal?! Hindi niya mahal ang baby niya?!
Me: Hahahahahahahahahaha!!!
Sorry, Anak! Ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad para sa tatay mo! :p
COIN BANK
Boyet: Baby!!!!!!!
Me: Bakit????
Boyet: Tawagan mo si Doc! Dali!
Me: Bakit????
Boyet: Sabihin mo, may pambayad na tayo sa kanya! Kahit i-CS ka pa niya ng 3 beses!
Me: Magkano ba ‘yang laman ng alkansiya mo?
Boyet: 1,200!
Hahahahahaha! Hiyang-hiya naman ang St. Luke’s sa mga barya ni Boyet! :p
Enjoy the rest of the week! :)
Praying for your normal and safe delivery, Je. Lapit na yan! Itagtag mo na ng itagtag. Hehe. OTWOLista rin ako! Waaaaah, kakakilig sila JaDine sobra at puro good vibes lang lagi kaya gustung-gusto ko talaga yang palabas na yan! :)
ReplyDeleteMay gatas din daw kasi yung polvoron! He He He
ReplyDeleteYang asawa mo ang lakas ng loob mag shirtless eh. Sarap sapakin minsan. Bwahahah!
ReplyDelete