For so long, may isang universal comment na banas na banas ako. At eto ay ang walang kamatayang FIRST! Ano teh? May contest? Paunahan mag-comment?! So bale, anong premyo mo nung nauna ka sa thread?! Consolation prize lang ba kapag SECOND o kaya THIRD?! =))
Eto, may message si Ninong Jackie Chan para senyo!
Kaso sa kasamaang palad, na-dethrone ang FIRST! May bago ng nakakabuwang na comment sa internet lately.
Apparently, sobrang laking big deal na 7.50 na lang ang Ariel. Sobrang big deal na kahit ang balita ay tungkol sa love life ni Kris Aquino, may bearing ang price reduction ng Ariel! Bwahahahaha!
Eto si Ateng! Payapa akong nagbabasa ng comments o kaya nanonood ng Forevermore, tapos susulpot na lang basta basta! Oo na! Alam ko na! 7.50 na lang ang Ariel!!!
Nyahahah! 7.50 nalang pala Ariel eh!!! And so? Champion kami dito sa bahay. :-P
ReplyDeleteHahahaha, I sooooo like this post. Nagbabasa rin kasi ako ng mga comments sa mga blog na binabasa ko eh. Madami rin kasi natutunan, nakakaaliw din ang ibang comments dahil iba-ibang personalidad.
ReplyDeleteP.S. Second to comment! LOL.... :)
hahahah...nice read on a Friday. :) Actually ako bwiset jan sa Ariel na yan dahil nagbayad ng isang buong ad sa Youtube! So lahat na lang ng papanuorin ko, kailangan ko tapusin muna yang kaimbiyernang jingle na yan. Di pwedeng skip ad!
ReplyDeleteSobrang true yung first! Andameng ganyan sa IG!
ReplyDeleteThose Youtube ads!! Medyo nakakabwiset hahaha
ReplyDeletePS Hopefully, last to comment hahahaha