Faux Surprise Face a.k.a. #NGANGA

My teammate, Mitch, sent me an article saying that faux surprise face is the new duck face in the selfie world. I have to admit that it’s actually my pet peeve. I can’t understand why girls need to do the duck face. But someone told me that models actually do it to make the nose look more pointed and to enhance the cheekbones. Alam kong kanya kanyang trip lang naman ‘yan. Hindi naman ikauunlad ng ekonomiya natin kung problemahin ko pa ang mga taong mahilig mag duck face. Walang basagan ng trip. Pero para sa mga mahilig mag duck face, please know that it is sooooo ten years ago!

The article pointed out that the faux surprise face is the new selfie trend. Pero umaapela si Mitch! “Ano??? Ngayon pa lang nauuso ‘yan e ilang taon ko ng ginagawa ang faux surprise face!” As a matter of fact, she’s telling the truth! She’s already doing it even before we knew that it’s called faux surprise face. For the longest time, I refer to it as hashtag nganga pose! :p Just like the duck face pose, may binabagayan din ang faux surprise face. Learn from the expert!

image-05c9ac05da956475abb568ec9923fb90c6be2b35b092e08a6fbd8358ebe84dd4-V Ang pioneer ng #nganga pose

image-872867cc94ad47a2227288b45d013e442d7432a6a509051f68f455ccc66e9cc6-V Kahit microscopic ang fez sa pic, #nganga pa rin!

image-29a34c4a95cd58da8120b5f1f88163f46ec997fc7b3f4f36a7bf8cc7dcc9d905-V
#NgangaPaMore

ootd and nganga Nganga 101 with the apprentice :p

Sinubukan ko ng maraming beses, pero parang naging #muntanga pose! Mukha talaga akong tanga. #HindiNaPoAkoUulit

image-15e36d66fb807905394b187cf4cb72b35bcfef7de19cd5c17b00819ddcd36d16-V 
Okay, hindi ako expert. Pero tingin ko, may pointers para maging havey ang #nganga at hindi maging #muntanga. 

1. Huwag basta nganga lang ng nganga. Faux surprise nga e. Surprised ka dapat, hindi yung parang kumakain ka ng invisible na footlong. :p

2. Smile pa rin. Nganga pero naka-smile.

3. Let your eyes speak. Dapat pati mata mo surprised din. Bwahahahaha! Sabi sa isa pang article na nabasa ko, the bigger the eyes, the better. 

4. Pwedeng gumamit ng ibang body parts. Refer to the first picture.

5. Ok din kung may props o may halong drama. Refer to the second picture. Hindi ko lang mahanap, pero meron din siyang picture na #nganga na #walling pa! :p

6. Wapakels ka dapat. Parang sa third picture lang. E ano naman ngayon kung ikaw lang ang nakanganga sa picture? 

7. Don't look tensed. Surprised dapat, hindi mukhang na-lock jaw.

8. Ok lang kahit hindi happy kind of surprised. Pwede ring annoyed or disgusted kind of surprised. Nyahaha! 

9. Huwag kalimutan ang attitude! Nasa nagdadala lang 'yan! :p

10. Eto na siguro ang pinakaimportante at hindi dapat kalimutan. Huwag abusado. Bawal ang #nganga sa ID picture! =))

2 comments :

  1. Natatawa naman ako sa sarili ko, kasi kada isang pointer mo, ginagawa ko yung sinasabi mo. Parang epektib naman nga. Hahaha. :)

    ReplyDelete

My Instagram

Copyright © jE's AnAtOmY.