Kolokoy Household: Episode 56

And just like that, it’s Christmas in less than two weeks! I am pretty sure that most of you are busier than ever attending reunions left and right and trying to complete your Christmas shopping list. Speaking of last minute Christmas shopping, I’m hosting a giveaway c/o Directsellerpx. A Lacoste tote bag is up for grabs. Click here to join! (Hanep sa plugging, haha!)

In my attempt to ease your holiday blues, let me try to cheer you up through a Kolokoy Household post. Ayun ay kung hindi uminit lalo ang ulo niyo sa post na ‘to! :p


MASERATI

A few days after the news of a Maserati driver who allegedly assaulted a traffic enforcer broke out, my husband and I had an encounter with a motorcycle rider. The rider hit one of our side mirrors. We didn’t do anything, but the rider angrily looked at us and started shouting. I told Boyet not to go out of the car.

Boyet: Ano daw sabi niya? Hahaha!
Me: Ewan ko diyan sa gagong ‘yan. Dakdak ng dakdak e ‘di naman natin siya naririnig. Hayaan mo siyang mapagod. Hahaha!
Boyet: Siya na nga nakasagi, siya pa galit.
Me: Pagbigyan mo na. Kung ganyan din mukha ko, malamang galit rin ako sa mundo e.
Boyet: Hahahahaha!

Ang tagal umalis nung rider. As in dakdak pa rin siya ng dakdak. Dumami na yung mga motor sa likod niya dahil ayaw niyang umabante!

Boyet: Aba, hindi pa rin siya tapos.
Me: Hayaan mo lang ‘yan. Kapag na-badtrip ‘yung mga nasa likod niya, sila mismo bubugbog sa kanya.
Boyet: Hahahahaha!
Me: May oras din ‘yan. Makakasalubong ‘yan ng naka-Maserati!
Boyet: Sayang. ‘Yung sa’tin kasi MASERAIN lang e.
Me: Hahahaha!


METEOROLOGIST

Days before Hagupit hit the Philippines, Mama was comparing the weather forecasts of GMA and ABSCBN.

Mama: Parang mas ok ‘yung sa GMA. Galing ni Mang Tani. Pinakawalan lang ng PAGASA ‘yun e. Buti na lang nakuha ng GMA.
Papa: Oo kasi mas may alam talaga siya sa weather kesa kay Kuya Kim.
Mama: Sabagay, kasi si Mang Tani kasi metro… metrolo… metrolologist ba ‘yun?
Me: METEOROLOGIST!
Mama: Ayun nga. Metrolologist.
Me: ME-TEO-RO-LO-GIST.
Mama: Ah basta mas magaling siya kay Kuya Kim! Tapos!
Me: Hahahahaha!


USAPANG TELESERYE

Pangako-SayoImage taken from thepulse.ph

As soon as the teaser of the remake of Pangako Sa’yo came out, I immediately told my parents about it. Hindi niyo na naitatanong, adik na adik kami dati sa teleseryeng ‘yun. Ultimo ‘yung tatay ko na walang kahilig-hilig sa teleserye. :p

Mama: Sino ‘yung bagong bida?
Me: Kathniel!
Mama: Tapos, sino ‘yung Amor?
Me: Si Jodi! Tapos si Angelica si Claudia.
Mama: Parang ang bata naman nilang maging nanay ni Kathryn at Daniel.
Papa: E ilang taon na ba si Jodi?
Me: Early 30s lang. Baka 32 or 33.
Papa: E si Angelica?
Me: Wala pa nga yatang 30 ‘yun e.
Mama: Ang bata nga nila masyado para maging nanay.
Boyet: Ano ba kayo?! Nagrereklamo kayo, e si Nash nga tatay na!
Me: Bwahahahaha! Honganaman!


RETAINER


I wrapped my retainer in tissue paper after brushing it. I also happen to be nursing a cold that day. Before going to bed while we were praying, I panicked when I could not find my retainer. Kinakapa ko kung saan ko nilagay, pero waley!

Me: Hala! Dito ko lang nilagay retainer ko ha!
Boyet: Saan?
Me: Dito, nakabalot ng tissue. Hala! Baka naitapon mo sa basura?!
Boyet: Shit! Akala ko pinagsingahan mo! Na-flush ko!
Me: Seryoso?!
Boyet: Oo! Teka, try kong kuhanin.
Me: Adik! Paano mo makukuha e na-flush mo na nga!
Boyet: And as if naman isusubo mo pa uli ‘yun kahit makuha ko man. Hahaha!


FORBESWOOD

I told Mama, Papa and Boyet that there’s a new Robinsons supermarket near our office.

Me: Ang galing, may bago ng Robinsons supermarket malapit sa office namin.
Boyet: Saan?
Me: Sa Burgos Circle.
Mama: Saan ‘yun?
Me: Dun sa malapit sa condo na tinuluyan nila Tito nung umuwi sila dito.
Mama: Ah, sa Formswood.
Me: Forbeswood!
Mama: Fortswood pala!
Me: Forbeswood nga!
Mama: Aba, malay ko ba! Akala ko FORTSwood kasi nasa The Fort e!

In fairness, may point nga naman! :p


Enjoy the rest of the week! =)

5 comments :

  1. What happened to the retainer? Hahaha *curious* Kasi yung retainer ko kung san san ko din nailalagay makakalimutin lang.

    ReplyDelete
  2. Kulit lang talaga ni Tita. Nakakaloka much. :)

    ReplyDelete
  3. Panalo sakin yung si Nash nga tatay na. May point nga naman. Nyahahahaha. :)

    P.S. Yung retainer ko, hindi ko naman ginagamit, gusto mo sayo na lang? Hehe. Joke lang sis, pinapatawa lang kita. :)

    ReplyDelete
  4. Bwisit naman talaga karamihan ng naka-motor sa Pinas, hindi lumugar sa tamang daan. Singit ng singit, pag nasagi sila pang galit. Tsk.

    Nangyari na din sa kin dati yang sa retainers mo, yung splint ko naman (yung may screw chenes) na lagpas 10k ata ang prsyo nung araw e binalot ko din sa tissue nung kumain ako sa Mcdo.Nakauwi na ko nung nalaman ko, binalikan ko pero nalinis na yung tabel namin. Ay swear, pinakalkal ko sa batang pulubi.. buti nakita pa nya, ayun binigyan ko sya ng 100pesos. Kesa naman gumastos ulit ako ng ilang libo para palitan, e nakabalot pa din naman sa tissue so di naman ganun kadumi pa hahaha tska pinakuluan ko ng bongga. Magagalit din kasi yung dentist pag nalaman na niwala ko.. hehehe

    ReplyDelete
  5. ah oo ibang usapan naman ang toilet.. hahahaha. ako man din hayaan ko na yun. yung akin naman kasi e nasa bin lang nakabalot pa haha. at nung time na yon mahal pa ang 10k na aparato sa bibig.. hahah.

    ReplyDelete

My Instagram

Copyright © jE's AnAtOmY.