MOUTH TO MOUTH
I was eating potato chips when I started choking! Boyet then motioned as if he’s trying to kiss me.
Me: O, ano ‘yan?!
Boyet: Mouth to mouth!
Me: Bwisit!
Boyet: Mouth to mouth recitation!
Me: Ano???
Boyet: Kaya pala recitation ang tawag sa klase kasi kelangan mong gumamit ng mouth.
Me: Ayoko na!!!
Boyet: Isa pa! Paulit-ulit. Mouth to mouth repetition!
Me: Bwahahaha!
BANANAS
Mama bought bananas. Boyet seemed to like it very much because the bananas were really sweet. If my count is correct, I think he ate at least 7 bananas that day!
Boyet: Kuha mo nga ako ng saging.
Me: Wow ha. Walang sawa? Pang-pito mo na ‘yata ‘to ha.
Boyet: Ang sarap e.
Me: Wushu! Na-miss mo lang natural food mo e!
Boyet: Hahahahaha!
A few days later, the same thing happened.
Me: Saging na naman?
Boyet: E ikaw na nga nagsabi, natural food namin ‘yan.
Me: Hahaha!
After a few minutes, I offered him again with a piece of banana…
Me: O eto, saging pa.
Boyet: Hoy, Jerellt! Kumakain din kami ng ibang prutas!
Me: Hahahaha!
Maliban sa saging, ano pa bang kinakain ng unggoy? =))
SPLEEN
While we were watching a Korean medical drama, one of the characters who was playing a surgeon mentioned the word “spleen”.
Me: Ano nga ‘yung spleen?
Boyet: Hay naku, spleen lang hindi pa alam. Palibhasa nung pinag-aaral ka ng magulang mo, nanghuhuli ka lang ng langaw e.
Me: Ulul! Ano nga? Hindi lapay e, kasi pancreas ‘yun e.
Boyet: Spleen…
Me: … … …
Boyet: Hindi ko maintindihan, SPLEEN mo nga sa’kin!
Me: Hahahahahaha!
BIRTHDAY
Me: So, saan tayo kakain?
Boyet: Hindi ko pa nga alam e.
Mama: Ano ba birthday ni Boyet?
Boyet: Sa 21, Ma! Hindi mo alam?!
Mama: Sira! Alam ko! Ang ibig kong sabihin, ano ba ‘yun? Ordinaryong araw?
Boyet: Hindi, Ma! Hindi ‘yun ordinaryong araw! Birthday ko ‘yun!!! Special na araw ‘yun! Kung para sa'yo ordinaryong araw lang 'yun, sa akin special 'yun!
Me: Hahahahahaha!
Ang tinatanong pala ni Mama, kung simpleng araw (weekday) ang birthday ni Boyet. E kaso, nagtampo si Boyet. Hindi tinantanan si Mama! Just last night…
Papa: O, ano bang araw ang birthday ni Boyet?
Boyet: Ordinaryong araw lang ‘yun, Pa. Hindi naman importante.
Me: Hahahahahaha!
Ang arte! Bigyan ng trophy ‘yan! :p
Enjoy the rest of the week! In case you don’t hear from me, malamang na-confine na ako dahil sa rabies! =))
Tawang tawa ako sa drama ni Boyet. Haha!
ReplyDeletePanalo sa akin ang "Bananas." Makapang-api, wagas! Hahahaha. Ang kulit mo, sis! :)
ReplyDelete