MENDEZ
One time as we were having dinner, Papa was telling us something about a movie he saw while he was getting a haircut.
Papa: ‘Yung mga barbero pati mga tambay tawa ng tawa dun sa pelikula kanina sa barberya e.
Mama: Anong pelikula?
Papa: Hindi ko nga alam e. Basta ang bida si Tonton Gutierrez tapos ang partner niya si ano… si… MENDEZ ang apelyido nun e.
Mama: Baka si Melissa Mendez?
Papa: Hindi e.
Mama: Dalawa lang naman ang Mendez sa showbiz. Si Melissa Mendez at si AIKO MENDEZ!
Papa, Boyet and Me: HAHAHAHAHAHAHAHA!!!
BBB
We always pass by Big Better Burgers on our way home. And every day we see it, we could not stop talking about how good their burgers are.
Boyet: Grabe ang sarap talaga sa BBB ‘no?
Me: Oo. Sarap balik-balikan. Sarap kasi ng patty nila saka kakaiba ‘yung bun e.
Boyet: Pero second lang ‘yan sa’kin e. May mas masarap pa sa BBB.
Me: Ano?
Boyet: E ‘di si BB… (BABY)
Me: @_@
CRILLON BALL
If you’re an avid reader of this blog, then you probably know that my husband and I love watching Got to Believe! Last week, I saw a teaser of their upcoming episodes.
Boyet: Ano ba naman ‘yan?! Crillon lang hindi mo pa alam?!
Me: Ikaw, alam mo?!
Boyet: Masyado na kasing mayaman ang pamilya ni Joaquin. Lumagpas na sa BILLION ang yaman nila kaya CRILLON na!
Me: Bwahahahaha!!!
CRILLON BALL PART 2
If you’re watching G2B, kilala niyo malamang si Amanda. ‘Yung sosyalerang brat na dedz na dedz kay Joaquin at gigil na gigil kay Chichay.
In one of the scenes wherein she’s bullying Chichay…
Boyet: Ang arte arte naman netong Amanda na ‘to. Todo makeup at gown pa. E mas maganda pa ‘yung asawa ko sa kanya na butas butas ang suot na t-shirt!
E mas presko kapag butas ang pambahay e!!! =))
Happy first Monday of December!!! =)
Haha. Agree, mas presko ang pambahay na butas-butas! Yan din lagi ko suot eh. :)
ReplyDelete