Kolokoy Household: Episode 57

Published on December 22, 2014

I spent hours wrapping gifts last night so I wasn’t able to post this Kolokoy Household entry at its usual time. As soon as I was done, I got hooked to watching the premiere of Catching Fire on Star Movies. I already watched it last year after reading the book twice! Walang sawa! Pero ang totoo kasi, inaantay ko lang talaga si Finnick! :p


GIFT TAGS

Speaking of gifts, my husband is extremely busy these past few days so I took the lead in planning what to give out to our family and friends this Christmas. He kept on bugging me to have my own list, but I kept on telling him that I already have one inside my brain. Haha! But because I am a submissive wife (charot!) and I simply want him to shut up, I came up with my list. E kaso mo, siya walang list! Pabalik-balik tuloy kami sa mall. At eto pa, ha! Because he is very busy, I didn’t bug him to help me in wrapping the gifts. But yesterday, I had to meet my best friend, Aubrey. I already wrapped our gift for Skye, but I forgot to wrap my gifts for Erlie and Aubrey. I asked Boyet to write the two gift tags while I wrap the gifts.

Boyet: O, ok na.
Me: Erlie Flor Tenorio?! Wow, buong-buo ha!
Boyet: Reyes pa rin naman si Aubrey ‘di ‘ba?
Me: Oo.
Boyet: Ilagay ko kaya Aubrey Taba? Hehe!
Me: Adik!
Boyet: O eto na.

DSC_3130

Me: Sino si Aubrey Regina Reyes?!
Boyet: Ano bang complete name ni Aubrey?
Me: Celerhina Aubrey Reyes!!! Dalawang gift tags na lang pinagawa ko sa’yo, nagsayang ka pa ng isa!
Boyet: E bakit kasi Aubrey Reigne ‘yung nasa blog niya?!

So, kasalanan talaga ni Aubrey! Kasalanan ni Aubrey na friends na kaming lahat since 2000 pero hindi alam ng asawa ko na Celerhina Aubrey ang name niya! :p


COFFEE

Boyet and I have been drinking 3-in-1 coffee for years. When we ran out of supplies one day, I was forced to make our coffee. I was surprised when Boyet loved it! Ang galing ko daw magtimpla ng kape. Maya-Ser Chief lang ang peg?! But when I restocked the 3-in-1 coffee…

Me: Gusto ko ng 3-in-1. Tinatamad akong magtimpla. Kakabili ko lang ng Kopiko kahapon.
Boyet: Ano ba ‘yan?! Hindi na kumpleto ang araw ko.
Me: Bakit?
Boyet: E kasi hindi ko matitikman ang masarap na Kopimo, kasi Kopiko ang iinumin ko!
Me: E kung ibuhos ko kaya sa mukha mo ‘tong kape?!

Ang aga aga ang corny!


SILENT KILLER

Isang tahimik na gabi, binulabog ako ng napakalakas na utot ni Mr. Kolokoy. Not once, not twice, I actually lost count na nga!

Me: Ano ba 'yan? Ano bang kinain mo? Kanina ka pa utot ng utot!
Boyet: Buti nga walang amoy e!
Me: E ang ingay ingay mo naman. Nag-va-vibrate pa kama natin sa lakas!

Mula sa kotse, hanggang bago matulog. Nakaidlip na nga ako, aba nagising pa ako! Kinabukasan…

Me: Hmmmm...
Boyet: ... ... ...
Me: Umutot ka?!
Boyet: … … … (insert smiling face here)
Me: Umutot ka ‘no?!
Boyet: … … …
Me: Kadiri! Umutot ka ‘no?!
Boyet: I will not confirm nor deny. Hihi.
Me: Grabe! Ang baho!!!
Boyet: O e at least, hindi gaya kagabi. Hindi ka naistorbo sa ingay!
Me: Matiwasay nga tenga ko, pero parang gusto namang humiwalay ng ilong ko sa katawan ko!


ELECTRIC FAN

The electric fan that Boyet and I use in our room suddenly stopped working. I remembered that we just had it fixed this year. Boyet and I agreed that if the repair will cost more than PHP500, then we would just buy a new one.

Me: Papa, kapag mahal ang pagawa ng electric fan, bibili na lang kami ha. Kasi kakapagawa lang niyan this year.
Papa: Ok sige.

After 3 days…

Pa: Nak, hindi pa dumadating ‘yung gumagawa e.
Me: Sige, ok lang. Gamit naman namin ‘yung isa pang bentilador.

But just last Wednesday, my parents decided to go to the mall to do their last-minute Christmas shopping. And this was the first thing I saw in our room!

DSC_3110
My parents decided to give us a new electric fan as their Christmas present! But what surprises us more was the note attached to it, handwritten by Papa Kolokoy.

DSC_3109 O ‘di ba? Anak nga ako ng tatay ko! :p

Hindi daw kasi nila maitago. At tinamad na si Mama na ibalot! :p


Enjoy the rest of the week! Happy holidays!!! =)

You Might Also Like

2 comments

  1. tawang tawa ako sa regalo!!! nyahahahah!! Tska hindi naman Aubrey Reigne ang blog ko!! ReigningStill. Kahit kelan yang si Boyet. bwahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nalito siguro siya sa gorgeous_reigne?! Bwahaha! Ang talino ng tatay ko dabah?! :p

      Delete