Kolokoy Household: Episode 50

Published on September 22, 2014

Hey, hey, hey! How are you, guys?! It’s Monday once again. I do hope that the weather this week gets better. Quotang quota na tayo sa ulan, bagyo at baha. Parang ako, quota na rin sa Kolokoy Household! I was so surprised when I realized that this is already our 50th episode! Hindi ko sure kung natatawa pa kayo. Sabihan niyo lang ako kung last ko na dapat ‘to ha! Bwahahaha!


SEXY

One night before going to bed...

Boyet: Grabe ang ganda ganda ng asawa ko.
Me: … … …
Boyet: Ang bait bait din ng asawa ko.
Me: … … …
Boyet: At ang se… Ang se… Ang seks… Ang ganda ganda ng asawa ko!
Me: Hahahahahaha!


BEST FRIEND

Boyet and I had dinner with Joie. I was telling Joie that I bumped into our former manager.

Me: Uy, nakita ko pala last week si ____. Natuwa ako kasi sabi niya ang blooming ko daw.
Joie: Oo naman! Wala naman akong friend na panget e!
Boyet: Joie, best friend! Na-miss kita!!!
Joie: Tseeeeee!


CROPPED SHIRT

I hate to admit it, but I have a big tummy. It’s undeniably because I eat a lot yet I don’t get to exercise as often as I should. I am really conscious with what I wear, making sure that the bulges don’t show. But when I’m at home, para lang akong tambay sa kanto. Bwahaha!

Boyet: Ibaba mo nga ‘yang t-shirt mo. Para kang tambay sa kanto, ‘yung mga pakamot-kamot pa ng tiyan pagkatapos kumain.
Me: Walang pakealamanan! Si Joie nga sabi niya dream daw niya na magsuot ng cropped shirt. Sabi ko sa kanya, e ‘di magsuot siya. Palakasan lang ng loob ‘yun. Parang ganito lang o! 
Boyet: O sige, mag cropped shirts kayong dalawa. Pero pwede ba, ipa-crop niyo rin muna mga tiyan niyo?!
Me: Bwahahahaha!

Fotor0101913217Image taken from mariposalove.com


BAGOONG FRIED RICE

We got to try Tinapa Fried Rice the last time we had dinner at Kanin Club. Mama decided to do her own version of it.

Mama: Gagawa ako ng tinapa fried rice bukas.
Boyet: Ay! Sige Ma! Masarap ‘yan.
Me: Bagoong fried rice na lang. Mas masarap na, hindi ka pa maghihimay ng tinapa.
Mama: Oo nga ‘no? Kaso ano bang pwedeng ulamin sa bagoong rice?
Me: Hmmm. Pritong isda siguro.
Boyet: Hindi! Hindi ‘yun bagay.
Me: E ano?
Boyet: Ma, mag kare-kare ka!
Me: Hahahaha!


BEER

Boyet drinks beer during weekends. Pang unwind lang daw niya. Ayaw ko sana, kaso kinukunsinti ng nanay ko. Minsan lang naman daw. Nanay ko pa ang tigabili kasi mas mura daw kesa sa supermarket. Ok na sana e. Kaso lang…

Boyet: Hoy, Jerellt! Ikuha mo nga ako ng beer sa ref!
Me: Aba! Kafalmuks ha! Makautos akala mo nasa beer house!
Boyet: Pumapalag ka pa ha. Ikuha mo ako ng beer para gumanda ganda ka naman sa paningin ko!
Me: Ah talaga?! O teka nga. Iinom ako ng isang case!


Enjoy the rest of the week! =)

You Might Also Like

2 comments

  1. Tawang tawa ko sa kare-kare tol! Nakakabwiset!!!! hahahahaha!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero kung iisipin rin kasi, pwede e! Haha! :p

      Delete