Kolokoy Household: Episode 36

Published on March 17, 2014

Hello, my dear readers! Can you believe that it’s already the middle of March? Parang kahapon lang ang New Year’s countdown, ‘no? And when we say March, the first thing that comes to our mind is SUMMER! Damang dama ko na ang init. At nagsisimula na naman kaming magsisihan ni Mr. Kolokoy kung bakit hindi pa rin kami bumibili ng air conditioner. At dahil mainit na, painitin natin lalo ang mga ulo niyo with this post! Harharhar!!! :p


TFTFZ

One of my office mates sent me a link of Ramon Bautista’s TFTFZ videos on YouTube. In one of the episodes, I picked up a joke. Siyempre ginamit ko sa asawa ko! :p

Me: Baby, may joke ako tungkol sa peanut butter.
Boyet (while driving): O?
Me: … … … (Ganito pala pakiramdam ni Boy Pickup kapag hindi natatanong ng BAKIT sa pickup lines niya?!)

After 2 minutes…

Boyet: O ano na nga pala ‘yung joke mo sa peanut butter?
Me: Ayokong sabihin, baka i-SPREAD mo e! Bwahahahahaha!!!
Boyet: Hay naku naman!


MAMA KOLOKOY IS SOOOO BACK!

Mama’s youngest brother got into a minor accident. Because of this, he was rushed to the hospital, and the doctors said that he needed to undergo surgery. One night, Boyet asked how my Tito was.

Boyet: Mama, kumusta na si Tito?
Mama: Ayun, hinihintay na lang na pumantay ang paa. (Cool na cool pa siya sa pagsabi.)
Boyet: Ano Ma?
Mama: Hinihintay na lang daw pumantay ang paa.
Boyet: HAHAHAHAHAHAHA!!!
Mama: Bakit?
Boyet: E ‘di ba kapag sinabing pantay na ang paa, patay na?
Mama: Ah ganun ba ‘yun???

A few days later…

Boyet: Ma, kumusta na si Tito?
Mama: Ayun, susukatan na daw bukas.
Boyet: So pumantay na ang paa, kaya susukatan na? Hahahaha!
Mama: Oo.
Boyet: Mama talaga o. Nadulas lang ‘yung tao, pinapatay mo na e.
Mama: E ayun 'yung sinabi nila sa'kin e.


GARAHE

Mama asked Boyet to clean our garage. E laging nakakalimutan ng mokong.

Mama: Linisin mo ‘yung garahe ha.
Boyet: Ay nakakalimutan ko lagi e.
Mama: Linisin mo na ‘yun. Sasapakin na kita.
Boyet: Sige Ma, sapakin mo na lang ako.
Me: Hahahahaha!!!

The following day…

Mama: Nakalimutan mo na namang linisin ang garahe!
Boyet: Sabi ko naman sa’yo Ma, sapakin mo na lang ako e.
Me: Hahahahaha!!!

Don’t worry guys. Nalinis na niya ‘yung garahe. :p


ABRA

Yesterday, I saw Abra performing with Chito Miranda on ASAP.

abra-article-image-jpg1376640369 Image taken from here

Me: Si Abra ba ‘yan?
Boyet: Aba malay ko. Hindi ko nga kilala sino si Abra.
Me: Ano ka ba?! Hindi mo kilala si Abra?!
Boyet: Hindi nga!
Me: Si Abra ang kapatid ni APANTY.
Boyet: … … …
Me: Kapatid din nila si ABRIEF.
Boyet: … … …
Me: ABRIEF LAVIGNE!

Hahahahaha! Ako lang natawa sa joke ko! :p


Enjoy the rest of the week! =)

You Might Also Like

0 comments