Kolokoy Household: Episode 34

Published on February 17, 2014

Helloweeehhh! I hope it’s a nice start of the week for you. I ALWAYS dread Mondays for countless of reasons. But then again, Monday only means that you’re just five days away from the next weekend! Ang talino ko ‘no?! Hahaha! So to make your first working day more bearable, allow me to make you smile with this Kolokoy Household post.


BLENDER

One morning while I was preparing for work, I asked my younger brother where Boyet was.

Me: Nasaan si Boyet?
Abes: Nasa sala.
Me: Huh? Wala naman e.
Boyet: I’m here! Miss me?!
Me: Ah hindi kita nakita. Nag-blend ka ng bongga sa dilim e!
Boyet: Hayuf!


PIMPLE

I currently have this huge pimple on my face. As in pulang-pula at naghuhumiyaw! Boyet, being the ever loving husband that he already is decided to make fun of me and my super kawawa face.

Boyet: Hahahaha! Ang laki laki ng tigyawat mo o! Hahahaha!
Me: Wow ha! Hiyang-hiya naman ako sa kinis ng fez mo.
Boyet: Dapat lang! Ang laki laki naman kasi ng pimple mo e.
Me: Sinadya ko ‘yan para naman makahabol ako sa mukha mo.

Ang sweet naming dalawa ‘no?! :p


TULIPS

Because Valentine’s Day is just two days later than our BF-GF anniversary, my husband no longer prepares something for Valentine’s Day. No stuffed toys, no chocolates and definitely no flowers!

Me: Grabe ka hoy! Hindi mo na ako binibigyan ng flowers kapag Valentine’s Day.
Boyet: E binigyan na kita nung anniversary natin ha. Hindi ka naman mahilig sa flowers.
Me: Ehhh! Kahit na!
Boyet: Aba teka, e ikaw nga hindi mo pa ako binigyan ng flowers ever e.
Me: Binigyan kaya kita ng tulips dati.
Boyet: Dapat nga tulips ang bibilhin ko sa’yo instead of rose e. E kaso lang, hindi kasi pwede na isa lang na tulips ang bilhin e kaya isang rose na lang binili ko.
Me: Bakit naman hindi pwede?!
Boyet: E kasi nga TWO-lips!

yellow-tulips-hd_tn2 Image taken from here


PMS

I don’t know why, but I hate seeing my husband every time I am PMS-ing. It only lasts for a few days, then after that, super lambing ko naman. ‘Yung tipong kahit kili-kili niya sinisiksik ko. Hahaha! Anyway, my latest PMS episode was really horrible! Inis na inis ako sa asawa ko ng wala namang dahilan.

Me: Tumigil ka na ha. Kanina mo pa ako inaasar.
Boyet: Inaano ba kita?
Me: Ayaw kitang makita.
Boyet: Hoy, magsanay ka na. Kasi kapag nagkaanak tayo, lahat ‘yun magiging kamukha ko. Ano ‘yun kapag may PMS ka, hindi mo tititigan mga anak mo?
Me: Huwag kang magbiro ng ganyan. Mag knock on wood ka baka nga maging kamukha mo mga anak ko!
Boyet: HMPPPPP!!!


Have a nice week ahead! =)

You Might Also Like

2 comments