Kolokoy Household: Episode 29

Published on December 16, 2013

Hello, everybody! I can really smell Christmas in the air! I hope you are all done wrapping gifts. Ako kasi hindi pa! I now have a new excuse why I am not blogging more often. I am busy shopping and wrapping gifts. Plus, I spent the entire weekend baking cookies to be given away to our friends and office mates. I was initially planning to just get something off the shelf to be given away for Christmas. But some of my office mates “demanded” for baked goodies because I gave them cookies last year. (Oo, kayo ‘to Mitch at Abby! Hahaha!) So again, pardon my inability to update this blog. I seriously have a lot on my plate. Kung pwede ko lang ikwento sa inyo lahat. =(

But on a more positive note, may Kolokoy Household tayo!


DOUG KRAMER

Mama and I were talking about last Saturday’s episode of Follow that Star.

Me: Grabe ang ganda ng bahay ng Team Kramer. May home theater sila na super laki ng screen. Tapos ang cute ng swimming pool nila.
Mama: Ah, malaki bahay nila?
Me: Oo. Tapos halos si Doug din daw nag-design.
Mama: Ah sabagay basketball player ‘yun kaya maraming pera.
Me: Oo saka kagabi ko lang nalaman na Amerikano pala ‘yun.
Boyet (in a sarcastic tone): Hindi, hindi Amerikano ‘yun. Kramer nga ang surname e.
Me: E ang tatas kasi sa Tagalog. Tapos pinakita ‘yung tatay, purong Amerikano pala.
Boyet: Hindi nga Amerikano ‘yun. Pinaglihi lang sa Pilipino ‘yun kaya matatas sa Tagalog.
Me: Ehhhh! Ewan ko sa’yo!
Boyet: Ay hindi pala. Sa kape pala pinaglihi ‘yun.
Me: Huh?!
Boyet: Oo kasi KRAMER siya e, partner ng KAPE.


CRINKLES


While we were baking cookies, I blurted out how our oven is too small for mass baking.

Me: Kaya pala nagrereklamo din si Joie na maliit oven niya.
Boyet: Dahil aksayado nga naman sa gas kung pakonti-konti ang bake.
Me: Oo lalo na daw kapag sa crinkles. Kasi matagal daw i-bake ‘yun e.
Boyet: E pero sa Pasko lang naman madami ‘yun e.
Me: Hindi ha! Malakas siya all-year round. Marami siyang orders sa mga neighbors at office mates. Kahit nga sa Navitaire e.
Boyet: Pang Pasko lang ang crinkles, maniwala ka.
Me: Bakit?
Boyet: E kasi sa Pasko lang ang CRINKLES BELL, CRINKLES BELL, CRINKLES ALL THE WAY! HEY!
Me: Huwag mo ‘kong kakausapin!!!

By the way, visit My Sweets’ Haven’s Facebook page if you like to order. Haha! Shameless plug! :p


FASHION EKLAVU

Every time Boyet dresses up, he asks me what I think about his getup. One time, I noticed that his shirt and shorts were a bit off.

Boyet: Bagay ba, Baby?
Me: Hmmm. Hindi e. Parang pambahay ‘yung shirt mo. Palitan mo.
Boyet: Hay naku, hindi ka na nasanay sa’kin. Wala nga ‘yan sa damit. Nadadala naman na lagi ‘yan sa itsura ko!
Me: Exactly! Kaya nga kailangan mo magpalit e. Kasi masyado ng terno ‘yung mukha mo sa damit mo ngayon! Parehong panget!
Boyet: Tse!!!

Muntik na akong bugbugin ni mokong e! =))


Happy Monday! =)

P.S. Mag-comment kayo kung gusto niyo pang ituloy ko ‘to ha. Balak ko ng itigil kasi pa-corny na ng pa-corny ang banat ni Boyet e! =))

You Might Also Like

0 comments