Kolokoy Household: Episode 28

Published on December 09, 2013

Christmas is just around the corner. Damang dama ko sa traffic!!! At lalong lalo na sa gastos!!! Bwahahaha!!! Don’t get me wrong because I do love the Christmas season. Even at my age, I still get excited with the idea of Christmas, even with all the hassles and troubles that go with it. But when I’m stuck in the middle of horrible traffic, I could not help but wish for Christmas to come sooner. Hihihi. Anyway, Kolokoy Household muna tayo. Pampa GV bago tayo sumabak sa week-long traffic!


YAKUZA

Boyet was watching a documentary on National Geographic Channel. It tackles the dark life of a Yakuza.

Me: Totoo kayang mga Yakuza ‘yang nasa documentary? Pinapakita mga mukha nila o.
Boyet: Hindi ko nga alam e.
Me: Pero bakit nga pinuputol ang hinliliit nila?
Boyet: Para daw ma-prove ang loyalty nila.
Me: Ahhh.
Boyet: Sabi nga sa documentary, madudumi daw ilong ng mga Yakuza.
Me: Bakit?
Boyet: E putol na daliri nila e. Ano ng pangkulangot nila?

HAHAHAHAHAHAHAHA!!!


BLUE SHOES

We usually give shoes to Boyet's nieces and nephews for Christmas. My sister-in-law asked Boyet about our gift to Rai who is Boyet’s 3-year old nephew.

Ate: Kulay blue daw gustong shoes ni Rai.
Boyet: Hala! Nakabili na kami. Puti nabili namin pero may lining naman na ibang kulay. Hindi ko sure kung blue nga ‘yun.
Ate: Ok lang ‘yun. Hindi naman niya alam kung ano ‘yung kulay blue e.
Boyet: Hahahahaha!!!


MIST

I noticed that Boyet has been using the Lacoste perfume I gave him for more than a year already.

Me: Bakit parang ang tagal tagal na niyang pabango mo. Parang bottomless ha.
Boyet: E matagal naman kasi amoy neto kaya kaunti lang ako mag-spray.

The following day, he saw me using my Bath & Body Works mist.

bbw Image taken from bathandbodyworks.com

Boyet: E kaya pala mabilis maubos pabango mo, pinapaligo mo e.
Me: E mist lang po kasi ‘to. Hindi gaya ng sa’yo perfume.
Boyet. Ah pambabae pala kasi ‘yang mist. Kung panlalaki kasi ‘yan, MISTER dapat.

May mga pagkakataon talagang ang baho ng pasok ng asawa ko!!! =))


Happy Monday!

You Might Also Like

0 comments