Kolokoy Household: Episode 20

Published on September 16, 2013

It’s Monday once again. I hope you all enjoyed your two-day break from work. I had a bumpy week so I’m sort of looking forward to this week, hoping that it will be better. I wish hindi masira ng post na ‘to ang linggo nating lahat! =))


HOARDER

While we were on our way home, we heard about the news of people who were hoarding rice.

Newscaster: Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ang mga hoarders o oportunista…
Me: Ang hoarder ba, oportunista sa Tagalog?! Hindi naman ha.
Boyet: Hindi nga. Ang hoarder kasi sa waiter ‘yun.
Me: Huh?!
Boyet: Sinasabi nila ‘di ba? Ma’am/Sir, ano pong hoarder niyo?
Me: … … …

20121114-rice-460 Image taken from news.priyo.com



ICE ICE BABY

Me: Baby, sino nga ‘yung kumanta ng Ice Ice Baby?
Boyet: Sus! Ayun lang hindi mo pa alam?
Me: Nakalimutan ko e. So sino nga?
Boyet: E ‘di ‘yung tagaluto ng puto bumbong.
Me: Sino?
Boyet: E ‘di ba ang lyrics nun… ICE ICE BABY… TAGALUTO NG PUTO BUMBONG! ICE ICE BABY… TAGALUTO NG PUTO BUMBONG!

In fairness, kinanta niya habang sumasayaw ng “running man”. Aminin niyo, sinubukan niyo ring kantahin! Ako nga ilang araw na nakalipas, LSS pa rin e! :p


MANONG DRIVER

Boyet: Baby, ‘yung driver ng nasakyan kong jeep kanina ‘yung kapitbahay natin. Si Mang (insert name of manong driver here) yata ‘yun.
Me: Ah talaga?
Boyet: Nagkatitigan kami e. Tapos nung nagbayad na ako, binalik niya sa’kin. Huwag na daw.
Me: Ano??? Bakit ako ilang beses na akong naging pasahero nun, ni minsan hindi ako nilibre ng pamasahe?!
Boyet: E baka kasi hindi ka niya kilala? Hindi ka naman kasi lumabalas ng bahay e.
Me: Either that or mukha lang akong may pambayad ng pamasahe. Ikaw kasi mukhang wala e.
Boyet: Anak ng!!!


Enjoy the rest of the week! ^_^

You Might Also Like

2 comments

  1. Hahaha, oo napakanta nga rin ako ng ice ice baby na yan! Nakakaloka kayong mag-asawa, hehe. :)

    ReplyDelete