Kolokoy Household: Episode 17

Published on August 19, 2013

Hello, everybody! I hope you are all enjoying the first day of the week. I’m sorry for not posting a Kolokoy Household entry last Monday. Nagpapa-miss lang ako, para hindi kayo maumay! Chos! =))


BLUE WHALE

Boyet was watching Nat Geo Wild when he started talking to himself.

Boyet: Ang Blue Whale ba ay WILD?
Me: Ang Blue Whale ay BLUE! Kung WILD ‘yan, e ‘di sana WILD WHALE ang tawag sa kanya! Hindi ka nag-iisip e.
Boyet: Tse!!!


GOOD BOY

Boyet told me that he talked to Rai, our three-year old nephew, when he spanked Carla, our seven-year old niece.

Boyet: Hindi ba sinabi ko sa’yo na ayokong namamalo ka? Anong gagawin mo kapag pinutol ni Mama mo ‘yang kamay mo kasi namalo ka?
Rai: E ‘di sisipain ko siya!
Boyet: E kapag pinutol niya ‘yung paa mo kasi nanipa ka?
Rai: E ‘di didilaan ko na lang siya!
Boyet: E kapag pati ‘yung dila mo pinutol din?
Rai: E ‘di magiging good boy na ako!

HAHAHAHAHAHA!!!


TPO

A lot of married showbiz couples are having messy breakups these days. It seems that the legal term Temporary Protection Order is getting more famous nowadays.

One day, Boyet and I were having a harutan session. Tapos, bigla akong kinurot!

Me: Aray ko!
Boyet: O ano, papalag ka?
Me: Magfa-file ako ng Temporary Protection Order!!!
Boyet: Tapos ano? Hihingi ka ng sustento sa’kin? Wala akong pera. Wala kang mapapala sa’kin. Mamamatay ka lang sa gutom sa pinaglalaban mo!

BWAHAHAHAHA!!!


CON-WHAT?!

Boyet is considered a “lurker” in the world of social networking. He doesn’t post often. Most of his posts are just links of my blog to help this site gain more traffic.

I posted this last Friday night on Facebook.

image
Boyet: Tumatawa-tawa ka na naman. Ilalaglag mo na naman ako sa Facebook ‘no?
Me: MWAHAHAHAHA!!!
Boyet: Teka nga, tignan ko na.
Me: Uy, na-CURIOUS!
Boyet: Na-CONSCIOUS!
Me: Anong na-CONSCIOUS? Na-CURIOUS!
Boyet: Uy, na-CONCERN! ‘Wag kang mangealam. E sa gusto ko CONSCIOUS at CONCERN e.

After reading, no reaction…

Me: Akin na ‘yang phone mo!
Boyet: Bakit?
Me: I-la-LIKE ko lang ‘yung post ko. Hehehe!
Boyet: Ayoko nga! Anong akala mo sa’kin? Hindi ako gaya ni (insert friend’s name here) na lahat ng i-post ng asawa niya e ni-la-LIKE niya!
Me: … … …
Boyet: Saka na-CONSCIOUS at na-CONCERN na ako. Gusto mo pa i-LIKE ko para ma-CONFIRM?!

Hahahahaha!!! Hindi ako nakaganti! Wala akong maisip na CON e! :p


BOSES LALAKI

For days, I have been suffering from itchy throat and dry cough. Because of this, I sound really different.

Me: Baby?
Boyet: Yes, baby?
Me: Love mo pa rin ba ako kahit boses lalaki ako?
Boyet: Love nga kita kahit mukhang lalaki ka e!
Me: Bwisit! Ampogi mo ha!!!


Happy Monday! Stay safe and dry! :)

You Might Also Like

2 comments

  1. Hi Je, this kolokoy section of your blog is so funny. Nakakarelate ang lola. Boys talaga mga pang asar. Anyway, more power! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Mommy Bave! Thanks for dropping by! :)

      Delete