Kolokoy Household: Episode 2

Published on November 26, 2012

My good friend Joie made a simple request when I posted the “pilot episode” of Kolokoy Household. She wants me to post it every Monday morning to make her happy. Ang selfish lang nya ‘no? :p Anyway, I think it is a brilliant idea since it will be a good way to start our week. I can’t promise to consistently post every Monday, though. But if there’s something to post, then I’ll post it on a Monday morning. :)


BEST COSPLAY EVER

Days after my own stupidity slapped me because of the Si Giripit at si Giripat joke, I finally found a way to bounce back!

Abes: Uy, may ipapanood ako sa inyo. Sobrang kulit!!!


Me (after 2 seconds): HAHAHAHAHAHAHAHA!!!
Boyet: Bakit???
Me: Anong bakit? Nakakatawa kaya!
Boyet: Huh?!
Me: Hindi mo na-gets? HAHAHA! Naglalakad sa bangin si Giripit at si Giripat,. Nalaglag sa bangin si Giripat. Sino ngayon ang slow? Hahaha!
Boyet: Sino ngang ginagaya nya?
Me: HAHAHAHAHA!!!


LAUNDRY

A few days ago while having dinner, we talked about the disadvantages of living in a condo unit, one of which is the hassle of doing your laundry.

Me: Grabe mahal din pala magpa laundry ‘no? Sabi ng office mate ko P60/kilo daw sa kanila sa Makati.
Mama: Halos same lang din naman. Mura nga palaba natin pero sagot naman natin ang tubig at sabon kaya halos pareho lang. Papa, wala namang 10 kilo ‘yung mga damit natin ‘no?
Papa: Ano ka ba naman?! Meron!
Mama: May 10 kilo mga damit natin?
Papa: Libag pa lang ni Abes 5 kilo na e!


TOWEL

I went back to S&R to check out their anniversary sale. I bought a lot of things which turned my wallet into a state of coma. I promised myself that I wouldn’t go back to S&R within this year. But when my mom saw the towels I both which were on sale, she asked me to buy 8 towels. She wants me to go back ASAP. As in agad agad! I suggested that we go back on the 30th since it is a public holiday. But she persistently finds ways for us to urgently go back to S&R.

Mama: Malapit lang ‘yun sa office mo. Lakarin mo na lang!
Me: AYOKO!!! Papawisan ako.
Mama: Sa Friday sadyain nyo ni Boyet.
Me: Hindi pwede. Christmas party nila.
Mama: E sa Sabado?
Me: Birthday weekend nya ‘yun, doon kami sa kanila. Sa 30 na lang kasi para holiday.
Mama: Oo nga ‘no?! Ok sige sa 30 para makapili pa ako ng iba.

After 15 minutes…

Mama: O kaya sa Friday na lang?!
Me: Ang alin?
Mama: Bilhan nyo ko ng towel sa S&R.
Me: Ay ang kulit. E di ba nga Christmas party nila Boyet?
Mama: Ang kulit nga ‘no?
Me: Sino?
Mama: Si Boyet! HAHAHAHA!!!
Boyet: Ako pa?!
Me: Makulit ka talaga. Sino bang company ang may Christmas party ng November 23?

HAHAHA!!!


COLLAGEN

Mama: Narinig ko sa Teleradyo, ok daw ‘yung Collagen sa mga matatanda.
Me: Collagen?
Mama: Alam mo ‘yun?
Me: Para sa buhok ‘yun ‘di ba?
Papa: Oo. Pero ok din daw kasi ‘yun sa mga joints lalo sa matatanda.
Mama: May nakita ako sa S&R e. Kaso P2,000. Pag-iipunan ko ‘yun!
Me: Ang mahal naman! Uminom na lang kayo ng shampoo!
Mama: Siraulo!!!

Siyempre, hindi ako nakatiis. Binili ko rin sila ng lintek na collagen na 'yan. Hindi ko naman maatim na uminom sila ng shampoo. :p
 

ANO’NG MASAMA SA SUGGESTION KO?!

Joie may not be literally a part of our household, but being friends for almost 6 years has made her a part of our family. Ahhh, that’s the best prologue ever! Anyway, she told me that their company’s Christmas party theme is MUSIC. She doesn’t want to join so I tried to convince her by giving her suggestions.

Me: Mag Lady Gaga ka. Bili ka ng maraming karne sa palengke. Costume na ‘yun!
Joie: May Lady Gaga na dito e.
Me: Katy Perry! May nakita tayong wig sa Aldo ‘di ba? Baka may blue sila!
Joie: Ayaw ko ngang um-attend e. Ayaw kong mag-abala!
Me: Para madali, mag Adele ka na lang! Black dress lang keribels na tutal naman chubby ka na!
Joie: Adik ka, Je!!!

Ayan Joie. Gusto mong sumaya ng Lunes dabah?! Wish granted! :p


P.S. Thank you for your very warm reception on the pilot episode of Kolokoy Household. I got tons of messages telling me that it made them laugh. Mataas ang ratings ng sitcom namin! :p Thanks to those who admitted that they also didn’t get the Si Giripit at Si Giripat joke after watching it from Be Careful With My Heart. Apir tayong mga Pentium 1 ang sense of humor!!! :p

You Might Also Like

8 comments

  1. grabe.. parang nasira na naman ako sa blog mo:p bidang bidang ako=)) pero thanks a:p che!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wish granted ka na nga e :))

      Delete
    2. wow Joie, c Adele pala gagayahin mo ha, hndi pla nakaktulong pg-Zumba ntin para magaya mo c Adele... hehehe...

      Delete
    3. Itigil nyo na yang zumba! :p

      Delete
  2. Bakit di ko din nagets anong ginagaya nya? Pero gets ko si sigiripit! hahahahah..

    ReplyDelete
  3. Nice kolokoy episode, nakakatawa yung TOWEL sobra... :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! Haha! The best nanay ko e. :p

      Delete